EXPLICIT MATURE CONTENT! SPG/R-18 Lara NANGINGITI ako habang pinapanood ang mga anak namin ni Jarred na naghahabulan sa malawak na luntiang damuhan. Hinahabol ng triplets ang Kuya James nila at kapag naabutan ay pagtutulungan nilang ihiga sa damuhan. Si Jarred naman ay natatawa lang na kinukuhanan ng video at pictures ang mga bata. Sinandal ko ang likod sa reclining chair at pinikit ang mata sabay hinga ng malalim. Masarap ang sariwang hangin na umiihip dito sa lugar. Di kagaya sa Manila na puro usok ang malalanghap mong hangin. Maganda rin ang tanawin mula rito sa resthouse na tinutuluyan namin. Mula rito sa porch ay tanaw namin ang bulkang taal at ang lawa na tila mga diamanteng kumikinang dahil sa tama ng papalubog na araw. Ang mga luntiang puno na sinasayaw ng hangin at ang mga

