Maya-maya pa ay umalis si papa at biglang pumasok sa aking kwarto sa hindi malamang kadahilanan. Paglabas niya ay mayroon na siyang dala-dalang dalawang malaking bag. "Lumayas ka! Wala akong anak na disgrasyada!" sigaw niya. Halos pumutok ang mga ugat sa kaniyang ulo nang sabihin niya ang mga salitang iyon habang kaming dalawa ni Aaron hindi makagalaw dahil sa pagkabigla. Ang tawagin niya akong disgrasyada ay matatanggap ko pa pero sobrang sakit naman ang itakwil niya ako bilang anak niya. "Fernan, ano ba? Umayos ka nga! Hindi ka na naman nag iisip nang tama," pagpapahinahon ni mama. "Isa ka pa! Kundi mo pinabayaan itong anak mo, hindi sana nangyari ito!" paninisi niya sabay hagis sa amin ng dalawang malalaking bag. Nang gawin niya iyon at isisi kay mama ang nangyari sa akin ay

