Leiden's POV "Lei...sorry," sambit ni Carrisa habang nakatingin sa aking mga mata. Dahil sa mga salitang iyon na sinambit ni Carrisa ay napuno ng katanungan ang aking utak. "Para saan?" "Bakit?" "Alam niya na kaya ang tungkol sa mga bagay na ito pero hindi niya lang sinasabi?" Mga katanungang gumugulo sa utak ko pero kailangan ko ng kasagutan. "Para saan naman?" tanong ko sa kaniya. "Kahit na may alam ako sa history ng boyfriend mo noon, hindi kita pinigilan. Sobrang saya mo kasi nung finally, maging kayo na kaya nanahimik na lang ako hoping na magbabago siya pero, iyan nga, sorry," saad niya habang halatang malungkot dahil ni hindi niya matingnan ang mga mata ko. Tangi ay nakahawak siya sa aking mga kamay at halatang sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyari. "Ano ka

