"Ay! Ang cute nito, di ba hon?" tanong ko kay Aaron habang kami ay abalang namimili ng mga gamit ng baby na puwede sa lalaki at sa babae. 5 Months pa lang kasi ito sa tiyan ko at hindi pa tiyak kung ano ang gender nito. Bakas kay Aaron na excited na rin siyang malaman ang gender ng baby namin kaya't inaya ko siya na mamili na kami ng gagamitin. "Ito! let's buy the baby crib," excited niyang suhestiyon. Ang cute naman niya. Mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin, eh. "Anak, normal delivery lang ha? Walang pera si papa eh," saad niya habang hinihimas ang tiyan ko. "Sira ka talaga! HAHA!" sagot ko naman. "Kapag na CS ako, magkaka malaking scar na ako sa tiyan. Yoon dapat isipin mo," pabirong dagdag ko pa. Posible kayang may tinatago siya sa akin na bagay? Parang kanina lang

