Leiden's POV Hay! Ang sarap talaga bumangon kapag wala kang inaalalang problema! Sa buong tala ng buhay ko, ngayon lang naging ganito kaluwag ang pakiramdam ko. May maayos na akong trabaho kaya panigurado makapag-ipon na ako at makakatulong kahit na papaano. May nasimulan na rin naman ako kaya't hahanap na lang ako ng motivation para magpatuloy. Matanda na si papa at hindi na siya puwedeng magtrabaho. Ganon din si mama. Kaya ko naman na buhayin kaming tatlo sa trabahong mayroon ako ngayon eh. Parang ayaw ko na rin kasi mag-asawa pero tignan natin kung mabago ni Aaron ang isip ko, di ba? Bumangon ka na nga riyan! Antamad mo talaga! Maalala ko lang, sabado nga pala ngayon. Day off. Salamat naman at makakatulong pa ako. Napagpasiyahan kong matulog muna dahil kagigising ko lang at

