Tila ba umurong ang dila ko nang makita ko kung paano siya ngumiti sa akin nang makita niya ako. Leiden, ano ba? Sayang mga nireherse kanina! Parang tanga paman ako sa taxi kanina jusko! Nabigla na lang ako nang biglang mahinang tugtog ng animo'y violin at cielo na nagha-harmonize pa sa bawat nota. Ang mahinang tugtog ay dahan-dahang lumalakas sa bawat sandali na lumilipas. Nakakapangilabot na marinig ang ganoong klaseng tugtog dahil never pa naman akong naharana. Kung para kaninuman ang tugtog na iyon, napakaswerte niya naman. Habang pinakikinggan ko ang kanta ay para bang nagyelo ang mga paa ko at gusto ko na lang pakinggan ang tugtog nang buong panahon. Hindi ko na nga rin namalayan na nakatitig pala ako kay Aaron. Habang pinakikinggan ay kasabay naman nito ang paghuni ko ng

