"Oh, hon. Okay ka lang ba? Mukhang pagod na pagod ka ah? Umupo ka na nga at nang makakain na tayo ha?" paanyaya ko kay Aaron pagkauwi nito. Kanina pa rin kasi ako gutom na gutom pero hinintay ko lang siyang makauwi. Napansin ko, lately, laging pagod na siyang umuuwi. Dati naman, hindi. Sa office lang naman siya pero paguwi niya ay pawis siya. Hay, hindi na rin mahalaga. Ang mahalaga makakakain na kami. Kanina ko pa kasi pinatutulog si Amara pero hindi ako nakakain maski meryenda dahil sa tuwing ibababa ko siya sa crib niya ay iiyak siya. Napagod na rin siguro kaya nang ibaba ko ito ay hindi na siya umiyak. Nang pupunta na sana ako sa kusina upang iinit ang ulam na niluto ko kaninang hapon. Akala ko kasi ay agad siyang makauuwi kaya't maaga akong nagluto. Pagkatalikod ko pa lang a

