Pagkatapos naming kumain sa restaurant, habang papalabas kami ay nilapitan kami ng mukhang manager nito at saka iniabot ang isang boquet ng bulaklak. "Galing ba sa'yo ito?" tanong ko kay Steven. "No. Mine was sent to your house," sagot naman nito kaya't pareho kaming nagtaka kung kanino nga ba nanggaling ang bulaklak. Ayaw naman kasing sabihin ng manager kung saan ito nanggaling kaya't hindi na lang namin siya pinilit na sabihin ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa maka sakay na sa sasakyan. Nang paandarin na niya ang sasakyan, nag alarm ito sa loob dahil may seatbelt na hindi nakalagay. Hindi ko naman namalayan na sa akin pala iyon dahil abala ako sa pagtitig at pag-amoy sa mga napakagagandang bulaklak na ito. Nariyan namang biglang paglapit sa akin ni Steven akmang

