Nang makita ko ang gate ay kaagad kong tinatagan ang aking mga tuhod at saka itinuwid ang lakad. Dagli ko ring pinunasan ang aking mga luha sabay baba ng sasakyan taglay ang isang ngiti na kahit na pilit ay nakakatulong din naman. Pagkabukas ko ng gate ay tila hihimatayin ako sa gulat dahil biglang mayroong nasa sampung tao ang may hawak ng mga cardboards na may nakasulat at sabay-sabay na sumigaw ng "Happy Birthday, Aaron!" It's been so long since someone or somebody planned a surprise for my birthday. Ang naaalala ko, huling surprise ko pa na natanggap noon mula kay mama ay yung birthday ko noong buhay pa si kuya Charles. Nanlalambot ang mga tuhod hindi dahil sa galak. Tumangis hindi dahil sa sobrang nasisiyahan. Sadyang hindi lang talaga maalis sa aking isip ang mga salitang narini

