"Ding!" tunog ng elevator nang huminto na ito sa floor ng office namin. Agad akong lumabas dahil sa hiya at naramdaman kong sumunod naman si Lance na tumatawa pa nang bahagya. Aba, lokong to ah. Porket napahiya ako, masaya ka na? Ano kayang mararamdaman mo pag nalaman ng lahat ng officemate natin na may ginagawa kayong milagro ng "parausan ng mga tigang" na si Mia? Dahil sa inis ay nagmadali na lang ako. Pagpasok ko sa office, agad na nagtinginan sa akin ang mga tao. Paano ba naman, sa buong panahon ng pagtatrabaho ko rito, ngayon lang ako pumasok nang ganito ka haggard. Kada daanan kong mga officemate ay napapangisi kapag naaamoy ang amoy kong parang kagagaling lang sa bar. Dagdag pa rito ay hindi pa ako nakaligo ni nakapaghilamos man lang kaya napaka-gulo ng buhok ko. Nang m

