Chapter 6

1468 Words
THE RUNAWAY BILLIONARE CHAPTER 6 C O N A N Dinala niya ako sa parking lot kung saan naka-park ang kaniyang kotse. Nakaguhit sa aking mukha ang pagtataka habang nakatingin sa kaniya. Akala ko ba'y kakain kami pero bakit bigla na lang niya akong hinila? "A-ayos lang po kayo?" imbes na itanong sa kaniya kung bakit kami umali, iyon ang lumabas sa aking bibig. Tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo. "I should be the one to ask you that. Are you alright?" Bumagsak ang panga ko sa gulat dahil hindi ko siya maintindihan. "A-ayos–" "You're not," mabilis niyang sabi. Napansin kong tila naiinis na siya. Bakit kaya? Naiinis na siguro siya sa akin. Siguro'y nagsisisi na rin siya na isinama niya ako rito. Yumuko ako. Nahihiya na ako. "Pasensiya na po," mahina kong sabi, hindi ko alam kung narinig ba niya iyon nang mabuti. Napansin ko ang paghugot niya nang malalim na hininga dahil sa dibdib niyang tumaas at bumaba. "We're going home. Kaya mo pa bang magluto pagdating natin sa bahay?" Mabilis akong tumingin dito at tumango. "Great. Now get inside," aniya. Kahit pagod na ako, kakaisip sa kung ano'ng nangyayari sa akin at sa mga lakad namin ay sumunod na lang ako. Nagsinungaling na lang akong kaya ko pa – kahit na sa tingin koʼy hindi na. Pero wala naman akong karapatang tumanggi, dahil kasambahay lang ako. Trabaho kong magsilbi sa kaniya habang naririto pa siya. Dapat nga'y magpasalamat pa ako dahil hindi niya ako pinalayas nang pagpapaluin ko siya noon. Bumuntonghininga ako at mabilis na pumasok sa loob ng kotse nang buksan niya ito. Umikot naman siya at tinungo ang driver's seat. Mabilis kaming nakarating sa kaniyang bahay bakasyunan. Nauna akong bumaba dahil binuksan ko pa ang tarangkahan at saka naman nito ipinasok sa loob ng garahe ang kaniyang kotse. Pumasok na rin ako at saka iyon isinarado. Wala na rin si Sir Harrison sa labas kaya pumasok na ako sa loob. Wala si Sir Harrison sa sala, sa tingin ko'y dumiretso siya sa kaniyang kuwarto. Tinungo ko na rin ang kusina at saka nagsimulang maghanap ng puwede kong lutuin. Tumingin ako sa orasan. Alas-onse na pala ng gabi. Kaya pala ramdam na ramdam ko na ang pagod. Pawis na pawis na rin ang buo kong katawan at gusto ko nang matulog. Hindi ako sanay na nagpupuyat. Pero kailangan kong pagsilbihan ang aking amo. "Are you done?" Lumingon ako rito, saktong katatapos ko lang magluto ng ulam. Nakapagsaing na rin ako. Pero sana pala'y hindi ko na ginawa pang lumingon dahil ang tumambad sa akin ay ang hubad nitong katawan at suot na naman nito ang manipis niyang pajama. Bigla akong umiwas ng tingin dahil see through ang suot niyang pajama at halos kita na ang nakapaloob dito. "O-Opo. M-maupo na po kayo at maghahain lang ako," mabilis kong sagot at natarantang kumuha ng mga plato, baso, at kutsara. Mabuti na lang ay hindi ko iyon nabitiwan dahil sabay-sabay ko itong hinahawakan. "Are you really okay, Mr. Dimaamo? I can help you, just tell me what to do," ani Sir Harrison. "O-opo," ang sagot ko na lang. Sinubukan kong ngumiti pero tila ba hindi talaga ito naniniwala sa akin. "Maupo na po kayo. Kaya ko na po ito," dagdag ko pa. Nagtataka man siya'y wala na siyang nagawa pa kung hindi ang maupo na lang. Ngumiti ako. Nanginginig na talaga ang kalamnan ko at kumukulo pa ang tiyan ko dahil sa gutom. Mabilis lang talaga akong mapagod. Ewan ko ba kung bakit tinanggap ko ang trabahong ito. Tumalikod ako rito pero hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko'y bigla na lang akong nawalan ng balanse. Mabuti na lang ay mabilis akong nakahawak sa gilid ng mesa upang kumuha ng suporta. "Fck! s**t!" Mabilis ko ring naramdaman ang mainit at malalaking brasong yumakap sa akin. “You should tell me you're not okay," anito. Hindi ako makasagot. Nauubos na talaga ang lakas ko, kaya pati na ang boses ko'y nawawala na rin. Napahawak na lang ako sa malalaki niyang braso upang hindi ako tuluyang bumagsak. Mainit iyon. Teka nga, Conan! ʼYan talaga ang una mong napapansin imbes na ang sarili mo? Suway sa akin ng aking sarili. Tama! Nababaliw na yata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang bigla akong umangat sa ere. Binuhat ako ni Sir Harrison na pa-bridal. Naglakad siya palabas ng kusina hanggang sa makarating kami sa sala kung saan ay dahan-dahan niya akong pinahiga sa may sofa. Nakatingin lang ako rito at sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Hindi rin nakatakas sa akin ang amoy niya. Mabango. Amoy sabong mamahalin at samahan po ng natural niyang amoy. Lalaking-lalaki. Nang maihiga niya akoʼy kaagad din siyang tumayo at mabilis na umalis ng kusina. Ilang minuto lang ay bumalik siya't dala-dala ang isang tray na may lamang mga pagkain. Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa kaniyang ginawa. Kaya mabilis akong bumango. "Wala akong sinabing bumango ka." "P-pero–" "Just do what I told you to do, Mr. Dimaamo," matigas niyang utos na may kasamang magkasalubong na mga kilay. Natakot ako pero hindi ako bumalik sa pagkakahiga. Inilapg niya ang dala-dala sa may center table nitong sala. At saka siya naupo sa aking tabi. "I didn't know you were so stubborn," aniya habang kinukuha ang platong may lamang kanin. At saka siya sumandok ng sabaw sa may mangkok na may lamang sinigang na bangus. "Kung pagod ka na, matuto kang magpahinga. I am not paying you just to overwork yourself." "Kailangan po dahil utos po ninyo 'yon. Wala akong karapatang humindi lalo pa't katulong lang po ako," sagot ko. Mabuti na lang dahil hindi ako nautal. "And you have the rights to answer 'no'. Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan mong sumunod. Maiintindihan ko naman kung hindi mo na kaya." Hindi ako nakasagot dahil wala akong maisip na maaari kong isagot. Ngumiti na lang ako ng payak. "A-ako na po, kaya ko naman po ang saril–" "No! Stay there and eat this," sabi niya sabay puwesto ng kutsarang may lamang pagkain sa aking bibig. Nakatingin ako sa kaniyang mga mata. Sinalubong naman niya ang mga titig ko, kaya mabilis akong umiwas at sinubo ang pagkain. Pinakain ako ni Sir nang tahimik hanggang sa maubos ko ang laman ng plato at ang ulam na kaniyang kinuha. Bumalik naman ang lakas ko ngunit hindi talaga kaya ng mga mata ko, kaya humiga na lang ako sa may sala at hinayaan ang sariling makatulog doon. - Kinabukasan ay mataas na ang sikat ng araw nang magising ako ngunit ang ipinagtataka ko'y nagising ako na nakahiga sa aking kama. Sa pagkakatanda ko'y nakatulog ako kagabi sa sofa nang hindi man lang naglilinis ng katawan. Tiningnan ko ang sarili ko't nakasuot ako ng pajama at bagong t-shirt. Teka! Mabilis akong bumangon at tinungo ang banyo. May sariling banyo ang aking kuwarto. Maliit lang ito at sapat lang para sa akin. May lababo, salamin, at maliit na cabinet na pinaglalagyan ko ng mga deodorant, hygiene, at iba pang panglinis sa katawan. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. "N-Nilinisan ba ako ni Sir habang tulog kagabi?" tanong ko sa repleksiyon sa salamin, pero hindi ito sumagot. 'Di ba, silence means yes? Nakita niya ang kahubaran ko?! Nakakahiya! Ang dami ko pa namang peklat sa may binti, tapos-tapos! Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. Hindi-hindi! Hindi gagawin ni Sir iyon. Malabo-malabo. Naghilamos na ako't nagsipilyo. Kumuha rin ako ng longsleeve dahil kahit na tanghali na rito'y malamig pa rin ang panahon. Samahan mo pa ng air-conditioned ang buong bahay bakasyunan. Hindi ko nga alam bakit hindi nilalamig si Sir Harrison. Palagi pa naman siyang nakahubad. Pero sabagay, may heater naman dito sa loob at madalas na hindi naka-on ang aircon. Magulo mag-isip ang mga mayayaman. Lumabas na lang ako't tinungo ang kusina. Wala roon si sir. Lumabas ako at tiningnan ang sala, wala rin siya roon. Nagkibit na lang ako ng balikat. Marahil ay nasa kuwarto pa siya nito, puyat din iyon. Bumalik na lang ako sa kusina at tiningnan kung may hugasin ba ako ngunit wala, pero kagabi'y marami akong nagamit dahil sa pagluluto at isa pa, marumi itong kusina kagabi. Nilinis kaya ni sir? O pinalinis siguro nito nang maaga kanina habang tulog ako? Bago pa man ako masiraan ng bait – na naman. Nagsaing na lang ako't naghanap ng puwedeng makain muna upang hindi malipasan ng gutom. Lumapit ako sa ref at kumunot ang noo ko sa sticky note na nakadikit sa may pinto nito. Kinuha't binasa ang nakasulat doon gamit ang magandang penmanship. "Magluto ka nang marami ngayong araw. My friend will be coming today and he'll stay for a while. From Harris."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD