Chapter 35 Wilhelmina's POV "Right, magtapat ka na sa kanya or else you really going to regret it in your life if you don't." Sabi naman ni Mirtha sa akin. Lumabi ako at saka tumango. Naku, nakakanerbyos din pala 'no nang isipin ko palang na magtapat kay Craig. Wilhelmina, kaya mo 'to, fighting! "Oo na, gagawin ko na po. Ipagdasal niyo na lang ako na maging successful ako." "Lol." One of them snickered. "So iyon lang ang gusto ko sabihin. Eh kayo, kamusta naman ang life niyo? Kayo naman, mag-share din kayo kung anong nangyari sa inyo during na wala tayong communication. Baka may na miss ako." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan silang apat pero maya't maya, maliban kay Dovie, nagkibit balikat lamang ang tatlo. "Ano pa ba meron maliban sa busy kami sa pag-aaral?" Turan ni Sapphire. "

