AUBREY'S POV HALOS tatlong taon na simula nang umalis ako sa Maynila pero hanggang ngayon, iyong puso ko nandoon pa. Hindi ko naman kasi maaaring kalimutan na lang ang mga bagay na kinagisnan ko sa Maynila. Pero sadyang baka hindi talaga ako para doon. Baka para talaga ako rito sa Aklan— kung saan, mas kaya kong protektahan ang sarili ko. Sinubukan ko namang umalis dito sa bahay. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko, sa oras na tumapak ako ng Maynila, alam ko kung kanino ako didiretso. Alam ko kung saang bahay ako tutuloy at kung sino ang pupuntahan ko. Kaya hanggat maaari, tinatanggal ko ang mga koneksyon ko sa mga naging kaibigan ko sa Maynila. Dahil siguradong kapag niyaya nila akong sumama sa mga gimik nila, pupunta ako. Mabuti na lang may mga naipon akong pera sa ban

