Inihatid ni Nouer ang kaibigan sa silid at nagpasya siyang iwanan ito upang mapag-isa. Hindi halos siya makatitig sa kaibigan kapag nagtatama ang kanilang paningin dahil hindi niya alam kung ano ang mga salitang dapat niyang sabihin sa kaibigan. Pakiramdam niya na sa bawat sulyap na ibinabato nito sa kanya ay nandoon ang mga panunumbat na may pagtatanong kung bakit nagawa niyang ilihim dito ang lahat. Subalit paano nga ba niya ipapaliwanag dito ang lahat kung siya mismo ay nagtataka sa gawi ng kanyang kapatid. Naging sunud-sunuran siya sa mga dikta nito. Hindi niya rin maunawaan kung bakit ayaw nitong aminin sa kaibigan ang katotohanan gayong matagal ng panahon na man ang nakalipas ng magkasama ang dalawa at sa pagkakaalam niya ay naging matagumpay naman ang lakad ng dalawa. Hindi s

