Kabanata 71

1863 Words

Nang hapong iyon ipinagmaneho ni Reden ang kapatid hanggang sa Pier ng Calapan kasama ang kasintahan nitong si Hector na naka buntot lamang sa kanila na lulan ng sarili nitong sasakyan.  “Ineng! Yung usapan natin ha! Huwag mong kalimutan. Tumawag ka kaagad sa akin kapag nagkausap na kayo ha!” tagubilin ng binata bago pa niya maisakay sa barko ang kotse ng kapatid. “Bakit kasi hindi ka pa sumabay sa’kin paluwas Kuya?” “Alam mo namang abala pa ako sa bukid. Oras na  matapos ko na ang patanim susunod ako agad sa inyo doon.” May hinugot sa bulsa ng long sleeve denim jacket ang binata. “Pakibigay na rin pala itong sulat ko sa kaniya.” “Ano ito love letter?” “Oy wag mong bubuksan yan ha, para sa asawa ko yan huwag kang tsimosa.” nakangiting tagubilin nito sa kapatid bago sila naghiwalay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD