Madaling araw na halos nang makatulog ang dalaga nagising na lang siya kinaumagahan na nakaunan siya sa braso ng binata at siya na ang nakayakap dito habang ito ay nakatihaya. Nang bumangon siya tulog na tulog pa rin ang binata, marahil napuyat din ito baka nga nauna pa siyang nakatulog keysa dito. Dahil ramdam niya na nagpipigil din ito. Maliwanag ang kaniyang silid dahil sa silahis ng araw. Sinamantala niyang pagmasdan ito ng malapitan. Nandoon pa rin ang kaamuan ng mukha nito kapag tulog, mamula-mula ang manipis nitong mga labi ,makinis ang mukha nito halatang alaga sa ahit ang balbas nito, mataas ang tindig ng ilong nito na tulad ng ilong ng isang pilipinong may ilang porsyentong dugo ng banyaga. Hindi na naman niya napigilan ang sariling daliri, pinaglakbay niya ang kaniyang hintut

