Pagdating ng Hapon magkasama silang nagpunta sa Centro ng barangay dahil gusto daw humingi ng advice ang mga kabataan kay Reden tungkol sa sayawang gaganapin sa baryo. Nakipag usap si Reden sa mga kabataan sa loob ng barangay Hall pero nagpaiwan si Irene sa labas upang bigyan ng Privacy kung anuman ang pag-uusapan ng mga ito. Nakipaglaro siya sa mga bata na kasalukuyang naglalaro ng Piko. ( Step No Step Yes) na tuwang tuwa sa kanya dahil lagi siyang nagkakamali sa pag-apak sa guhit dahil mas mahaba ang kanyang paa. Sa buong laro hindi man lamang siya nagkabahay kahit isa. Nang mapagod ay binilhan niya ng merienda ang mga bata at nakipag-kwentuhan naman siya sa mga kababaihan na mga nakatambay sa labas ng isang tindahan. Bagamat alam na halos ng buong Baryo ang kanilang kwento ay

