Chapter 19: "Thanks"

1422 Words
JANE’S POV Gusto ko nang matapos ang mga meeting ni Ma`am Regina dahil gulong-gulong-gulo ako sa sinabi niya kanina. Gusto ko lang naman makabawi sa mga kasalanan ko tapos biglang Jowa ang magiging papel ko? Ne hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend tapos ang seste magkakaroon ako ng gelpren? Hindi ako homokojic, nasa-shock lang akong tunay. Hindi kalayuan ang kinatatayuan namin ni Asher sa mesa nina Ma`am Regina. Nasa pampublikong lugar kami kaya kailangan ay maging alerto. “Tingnan mo naman kung gaano ka-intilehente tingan si Ma`am Regina,” puri ni Asher. “Women empowerment.” Majority ng mga ka-meeting ni Ma`am ay babae. Mukhang nakikinig naman at sumasang-ayon sa kanya ang mga ka-meeting niya. Si Ma`am ang Mama Duck. Haha! `Yong mga ka-meeting niya ay mga bibe duck! Panay lang ang tango sa kanya e. Nasobrahan yata sa talino sa Ma`am Regina e. Bakit naisipan jumowa ng babae. Baka gusto mag-experiement? Itong si Ma`am parang tanga talaga minsan. Kukuha na nga ng majojowa, `yong hindi niya pa ka-level. Sabi ni Ma`am Regina “girlfriend for a couple of months”. Ibig sabihin ba noon makakatanggap ako ng bonus kay Sir Paulo dahil kung sakali makakaisang buwan ako sa serbisyo? Hu-wait lang! Marami-raming pera `yon! Ibig sabihin secured na ang birthday ni Lola! Baka sumobra pa nga! Makakabili ako ng appliances! Mapapalitan ko na `yong refrigerator naming na sing-edad ko na. Makakabili na ako ng tv na flatscreen! Nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Weh? End of the world na ba? Bakit siya ngumiti? Kinilabutan ako. Pucha. Lumingon pa ako kasi baka may ibang tao e. Baka kako tumagos lang sa akin `yong ngiti ni Ma`am. “Hoy, okay ka lang ba?” Siniko ako ni Asher. “Ha? Oo. Baka may dumaan lang na multo kaya nagsitayuan ang balahibo ko.” “Angyaman namang multo niyan sa five-star resto pa talaga.” Natatawang sagot niya. --- Nagsialisan na ang ibang ka-meeting ni Ma`am Regina. Maliban doon sa isang medyo mature na babae. Hindi ko rin bet ang aura ng mga bodyguard niya. Babae rin sila pero mas pormahang lalaki. Jusko! Ganyan-ganyan itsura ng mga nagsisitsit sa kanto tapos pag nakursunada ka e gigripuhan ka kapag natsambahan kang mag-isa. “Lapitan na natin si Ma`am Regina,” Suhestyon ni Asher. “Ano `yan si Mrs. Lambino e. Matinik sa chics.” “Pucha. Hindi nga? `Di ba may asawa at anak naman siya.” “Basta komplikado. Chika ko sa`yo pag may time. Tara.” Dali-dali akong sumunod kay Asher. May kung ano siyang binulong kay Ma`am Regina. Elibs ako kay Asher. Kalmado lang. Ako kasi hindi kakalma sa tingin ng mga bodyguards ni Mrs. Lambino. Parang nararamdaman ko ang mga tusok ng icepick sa tagiliran ko. “Mukhang bago na naman ang mga bodyguard mo, Miss Vanguardia.” Infairness dito kay Mrs. Lambino ha, hindi siya mukhang nambababae! Haha! Todo feminine pa nga ang make up. O sadyang mahina ang radar ko. Di bale na nga. Hindi ko naman `yan dapat pinoproblema. Makikisesmes na lang ako kay Asher mamaya—dagdag kaalaman! “Yeah. You know I hate bodyguards, but I don’t know baka this time I’ll get use to it. Right, Custodio?” Nambibigla naman si Ma`am! Dapat iniinform niya ako kung may batuhan ng dialog. “Ah . Opo naman. Quality kaya kami ni Asher. Very right po, Ma`am.” Humalukipkip si Mrs. Lambino saka tumingin sa akin. Hoy! Ano `yan mula ulo hanggang paa. Judgmental naman ang tingin niya. “Hindi katangkaran pero mukhang may ibubuga.” Aba! Matangkad pa rin ako! Nagkataon lang na mas matangkad sila. “Yeah. Fits my height.” May pagyayabang na sagot ni Ma`am Regina. Pake ko naman sa height niya. Konti lang naman ang pagitan namin. Mayabang porke tangkad. “I have a new branch here. Would you like to visit it, Miss Vanguardia?” “Sure.” Bumaling siya kay Asher. “Sasaglit kami sa shop ni Mrs. Lambino, i-prepare mo na ang sasakyan. Si Custodio na lang ang sasama sa akin.” Kinakausap ni Mrs. Lambino ang mga bodyguards naman niya. Siya rin yata ang nagbayad ng bill. “Okay po, Ma`am. Mag-iingat po kayo.” Mukhang worried si Asher. Bumaling naman siya sa akin. “Huwag kang malilingat, Jane.” Sumaludo ako sa kanya. “Opkors.” --- Anggaganda ng mga sapatos at bags! Anggaganda din ng mga presyo! Kinukumbinsi pa niya yata si Ma`am na bumili. Ayos ang mga ito pag may mga okasyon. Killer shoes! Lakas makapointed! Haha! Napansin ko ang dalawang beses na paghawak ni Mrs. Lambino sa beywang ni Ma`am at ang pasimpleng paghawi ni Ma`am dito. “Ma`am Regina! Mukhang maganda po ito.” Sige dampot na lang ako kahit hindi ko naman talaga bet. Haha! Pumagitna ako sa kanila. “Bagay sa kulay ng balat niyo po. Kaso mahal. May ganito siguro sa Marikina. Haha!” “Don’t you dare compare our products sa local.” May konting asim na sabi ni Mrs. Lambino. “These are World Class.” “World Class din naman po ang Marikina. Mura pa. Pero hindi ko sinasabing pangit itong produkto niyo. Sabi ko lang mahal.” “Custodio.” Saway sa akin ni Ma`am Regina. “Let me try that.” Sinundan ko si Ma`am sa malapit na bench. “Ako na, Ma`am.” sabi ko nang akmang yuyuko si Ma`am. Baka masilipan e. “Si Ma`am sine-simplehan na hindi pa magalit. Kapag ako konting mali lang sigaw na agad.” “What did you say, Custodio?” Nag-angat ako ng tingin saka ngumiti. “Wala po. Ganda ng paa niyo.” Tinignan ni Ma`am ang fit ng sandal sa salamin. Kahit ano yatang isuot ni Ma`am bagay sa kanya. Nakapameywang ako habang kinikilatis ni Ma`am ang paa niya sa repeksyon. “Perfect.” Komento na naman ni Mrs. Lambino. “Magaling naman pala pumili itong bodyguard mo, Regina Dear.” “Yeah. I’ll buy this one.” “Talaga? Sige. I’ll prepare it personally.” Naupo na ulit si Ma`am. Akmang uupo si Mrs. Lambino. Hoy! Hindi pwede `no. “Ako na po, Mrs. Lambino. Nakakahiya po sa inyo.” Pero siyempre faster tayo para hindi niya madantayan kahit konti ang balat ni Ma`am Regina. Akala niya ha! Makakaisa siya? Hindi `no. Jane Custodio ang bodyguard, walang makakalusot sa aking beautiful eyes. Isinuot ko na ang footware ni Ma`am Regina. “Goods na, Ma`am Regina.” Pagtayo ko ay inilahad ko ang kamay ko sa kanya—Baka makaisa pa nang tuluyang tong si Mrs. Chikading e. Inabot naman niya ito. Lambot naman pucha. Sanaol walang kalyo! Inihahanda na ang shoes ni Ma`am. Nagtitingin pa siya ng ibang items. “Ma`am, mas maganda sa local brand. Makakabili na kayo ng 20 pares doon.” “Ano nga ba kita ulit, Custodio?” “Bodyguard. Shut up na ko talaga. Sorry po.” Umabresiete siya sa akin. “She’s looking at us. Huwag kang lilingon.” Si Mrs. Lambino ba ang tinutukoy niya? Fine. E di don’t. --- “Kumusta po kayo, Ma`am Regina? Naging maayos po ba sa shop ni Mrs. Lambino?” “Yeah. Custodio somehow annoyed her.” “Ash. Bakit hindi mo naman sinabing medyo manyak si Mrs. Chikading? De sana nagrason akong natatae. Hilain ko na si Ma`am.” “Baliw! Haha! Chikading ka diyan.” Natatawang sagot ni Asher. “Hayaan mo na. Ang importante e okay si Ma`am Regina.” “Umuwi na tayo. Thank you, Asher, for giving heads up.” “Wala po `yon, Ma`am.” Aba! Tapos sa akin walang thank you? Ako kaya `yong nasa frontline kanina. Si Ma`am talaga bias! Ampf! `Pag ako grinipohan at napatay n`ong mga mukhang pusod na bodyguard ni Mrs. Chikading mumultuhin ko siya. “Sana ol, may thank you.” Mahina kong sambit. Pero sapat na para marinig ni Ma`am. Nakakatampo kaya. Hmpf! “Custodio, Thanks.” Pumalakpak ang tainga ko! Pucha! Marunong din pala mag-thank you e! Tanggal angas ko doon sa thank you. Sige. Forgiven na agad. Ano bang karapatan kong magtanim ng sama ng loob? Haha! “Asher, pwede ka nang umuwi when we reached home. Kung hindi sinabi ni Ali hindi ko malalaman na birthday ng anak mo. Mag-off ka muna bukas. Treat your family. Nagpa-transfer na ako sa account mo. Custodio, may pag-uusapan pa tayo mamaya.” Deads. Akala ko sasabihin mag-off ka din for a job well done. Haha! Pero sige, pera din `yon! Basta kaya ng katawang lupa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD