Be Mine 33 Gabing-gabi na, pero tinawagan ko pa rin si Ash para ibalita ang nangyari ngayon sa kapatid niya. But I told him na huwag munang ipaalam sa mga parents namin. I just need my buddy tonight. Good thing Ashley is always there for me and for his sister. “Ano’ng nangyari?” Tanong kaagad nito pagdating sa ospital. “Hindi ko pa alam. Basta ang sabi niya sa akin, pakiramdam niya bumabalik daw ‘yong sakit niya. ‘Yong heartbeat niya raw, hindi normal. Natatakot daw siya. Then she cried. Tapos no’ng uuwi na kami, bigla na lang siyang nawalan ng malay. Pare, hindi ko na alam ang gagawin ko,” natatarantang kwento ko pa sa kaibigan ko. Hinawakan niya ako sa braso. “Calm down. Hanggang hindi pa tayo nakakausap ng Doktor, huwag muna tayong mag-isip ng kung anu-ano. Okay? Ipagdasal natin n

