Be Mine 23 BIANCX Matapos akong halikan ni Cy-cy nang napakatagal, which is na-enjoy ko rin naman. Haha. Lumabas na kami ng kwarto. Alam ko kasing inip na inip na sa baba ‘yong mga pamilya namin. Sabik na silang kantyawan ang lalaking umiyak kanina. Haha. “Congratulations!” Sigaw nila pagbaba namin ng hagdan. May cake pa silang bitbit at nagsabog pa ng confetti. “Langhiya. Napagkaisahan niyo ko, ah?” Nakatawang sabi ni Cy-cy. “Parang lugi ka pa ah?” Asar naman kaagad ni Biboy. Tama, nandito silang lahat. Mula sa pamilya ni Cy-cy, hanggang sa pamilya ko. Kasama si Ella at ang dalawa nilang anak ni Biboy. Full force ‘to eh. “Di naman. Jackpot nga eh. Salamat sa inyo,” tuwang-tuwang sagot niya pa. “Oh? Baka umiyak ka na naman bata?” Pang-aasar din ni Dad. “Hoy. Huwag niyong pagk

