Be Mine 37 Who would have thought that I would get to have a chance like this in my life? ‘Yong tipong akala mo hindi na mangyayari pa pero ibinigay sa’yo ng Diyos? Ang hiling ko lang naman talaga noon, ay sana gumaling na ako sa sakit ko para hindi ko na nakikita ang mga mahal ko sa buhay na umiiyak, nag-aalala at higit sa lahat, napapagod kaka-alaga sa akin. But God gave me so much more. Hindi ko na nga alam kung deserving pa ba ako sa lahat ng blessings na ‘to? I am so grateful. Pakiramdam ko, paraan ‘to ng Diyos na pawiin lahat ng takot at sakit na naranasan ko noon. Na ultimong mangarap na magkaroon ng sariling pamilya ay kinatakutan ko dahil ayaw ko maging kagaya ko ang mga magiging anak ko. But he made me very strong. Kapag pala plano ng Diyos, walang imposible. Kapag siya pala a

