Chapter 16 ❂• 3rd POV •❂ Pumasok na sa loob ng kastilyo si Margaux at nagulat siya nang nadatnan niya si Genesis na nakatayo sa entrada. Akmang lalampasan niya si Genesis nang hawakan siya nito sa kaniyang kamay upang pigilan. “Narinig ko ang lahat.” Ito ang unang sinabi ni Genesis dahilan upang matigilan si Margaux. “Si Veyrondale ang may pakana ng lahat.” Tumango naman si Margaux. “May ideya rin ako sa kasinungalingang sinabi mo kay Zendaya, dahil isa ako mismo sa mga saksi ng katotohanan. Noong kinuwento niya sa akin ang kinuwento mo tungkol sa kaniyang ina, na nabuhay siya ngunit bilang sanggol muli at siya ay nilagay ng hari sa bahay-ampunan at kinupkop ng mga maharlika... Alam kong mali na. Bakit ka nagsinungaling kay Zendaya?” “Because it is her guilt of not being able to save

