Sinamahan ko ng umuwi si Aph sa bahay nila kasi ipagpapaalam ko din siya sa Tito niya. Pupunta kasi kaming Australia ngayon. Nagmano siya sa Tito niya at nagbeso beso sa Yaya niya tas dumiretso na siya sa kwarto niya. Bumati din ako ng magandang araw kay Dean tas inalok niya akong maupo… nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap at sinabi niyang, ako na daw ang mag-aalaga sa pamangkin niya. May tiwala daw siya sa akin at panatag daw ang loob niya sa tuwing ako daw ang kasama ng pamangkin niya. Ipinagpaalam ko na din siya na liluipad kami ngayon din araw sa Australia. Sa walang pag-aatubili ay pumayag naman siya. Matapos niyang pumayag ay nagpaalam ako sa kanya upang mapuntahan at matulungan ng makapag-impake si Aph sa bagahe niya. “Tok tok tok”, pagkatok ko sa pinto niya. “Bukas po yan”,

