Nalibot na namin ang half part ng buong secong floor ng Mall pero wala padin. Siguro saibang store meron na kaya nagpatuloy pa din kami.. Tas maya maya’y…. “Pareng Godric, mauna na muna kami ni babe Al ko. May tumawag kasi may emergency daw.. Babalik nalang kami dito siguro mamaya”, pagpapaalam ni EF. “Ah sige, ingat kayo. Text niyo nlang siguro ako kung sakaling magkataon kayong bumalik dito”, pagsagot ko naman sa kanya at nagpatuloy na sila sa paglalakad palayo sa amin. Nahalata kong nagpipipindot si Meg sa may telepono niya tas…. “Naku naman talaga oh! Kung mamalasin talaga… Tsk…”, pagsasaad ni Meg na medyo natataranta din. “Meg anu ba yon? Anong meron?”, pag-aalala ni Aph habang nakahawak kay Meg. “Ah eh, tsk… pinapapunta ako nila Lola Maxim sa Blue Generation Restaurant eh… kak

