GODRIC’S POV Naalimpungatan ako nung may kumakatok sa steel door ko. “Hijo! Godric! Tawag ka na ng Da at Mom mo. Mag-usap daw kayo. Sige na naman Hijo. Nag-aalala kaming lahat sa iyo. Hindi muna sila pumasok ng maaga kasi gusto nila ikaw makausap. Pagbuksan mo naman ako Hijo”, pagsasabi ni Yaya na para ding may halong pagmamakaawa. Umupo ako mula sa aking pagkakahiga sa kama ko. Nilagay ang dalwa kong palad sa mukha ko at dahan dahan itong pinunas. Tas pinuntahan ko na si Yaya Lucy ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto sabay bati.”Good morning ya”, pinilit kong magsmile sa kanya habang pinunasan pa yung gilid ng mga mata ko. Nagulat ako, bigla siyang yumakap sa akin at…”Kaw naman eh, ayaw mong pagaanin loob mo. Nag-aalala ako sayo kahapon eh. Sinabi nila Godric at Meg kasama yung isang baba

