“Kailangan mo nang maghanda Hunt, iho. Huwag mo nang pansinin si Vaughn alam kong magkakasundo rin kayo.” Wika ni Aling maya habang pinapanood ko si Vaughn na naglakad papunta sa kamalig marahil ay kukunin niya si Max. Bigla ko tuloy namiss si Luke, napabuntong hininga naman ako dahil doon. Kaonting oras na lamang at matatapos na rin ang lahat ng ito.
Tumingin ako kay Aling Maya na kumakain pa at tumayo na. Mukhang nawalan ako nang gana sa isiping makakasama ko si Vaughn nang ilang araw o kaya ay ilang buwan. Kumuha na lamang ako nang libro sa sala at dire-diretsong naglakad papasok sa aking kuwarto. Mamayang hapon na siguro ako lalabas pagnasiguro ko nang hindi ko makakasalubong si Vaughn.
Umupo ako sa aking mesa at sakto namang naramdaman kong muli ang mindlink namin ni Hermes. Napangiti ako at dali dali itong binuksan upang marinig ang kaniyang balita. Hindi ko alam kung nais ko bang sabihin sa kanila ang aking pagpunta sa kapitolyo ngunit mukhang mas maigi ang malaman nila nang sa gayon ay matulungan nila ako kung kinakailangan.
“What’s the news Hermes?” Dali dali kong tanong pagkatapos mabuksan ang link. Pakiramdam ko ay sumasang-ayon sa akin ang mga Fates dahil sa mga nangyayari ngayong araw.
“Woah chill there, cousin! Wala bang kamusta muna diyan?” Napairap naman ako dahil kakausap lamang naming kagabi at mukhang nakalimutan niya iyon.
“We literally just talked last night Hermes, I’m fine.”
“Oh! Yeah right. So, I found out that the woman was only seen once during King Jian Silveterra’s 26th birthday celebration.” Hinintay ko pa ang kadugtong nang sasabihin niya ngunit nang tumagal ay wala na akong nahintay kaya napabuntong hininga na lamang ako.
“That’s it? You don’t even find her name?”
“Well, there is no record of her name on the books I have red.”
“Well, you need to find it Hermes. I need all the information about this kingdom as soon as possible.”
“We know. That is why I let Aphrodite and Apollo search for books in some other realms.”
“And where are you searching for yours?”
“In Olympus of course! I have all the access to the Great Library.”
“And you still couldn’t find any information about her?” Napapisil ako sa tuktok nang aking ilong dahil sa pagkainis. Mukhang masyadong masikreto ang babaeng iyon at bakit naman kaya hindi nababanggit sa kahit anong libro ang kaniyang pangalan?
“Well, I think I needed more time. How about you, any news?” Napabuntong hininga na lamang ako at mukhang pupunta ako sa kapitolyo nang walang ka-alam alam manlang sa kahariang namumuno rito.
“I’ll be going to the capital in two days. The old lady’s grandson is a general and maybe he can put me on his platoon.”
“Woah! You are making a move so fast cousin. Did you just said that you did not regain your powers yet?” Isa pa ito sa problema ko. Papaano nga naman ako makakaligtas sa lugar na puro Fae lalo na kapag nasa kapitolyo, kung wala akong kapangyarihan? I’ll be outnumbered and overpowered for sure. Hindi alam kung tama pa ba ang mga hakbang na ginagawa ko.
“I don’t know Hermes. This is the only chance I got. I’ll figure out my powers soon.”
“Be careful, Hunt. I’m just one mindlink away and you know we can teleport anywhere.” Napangiti ako sa kaniyang sinabi at napatango kahit pa alam kong hindi niya ito makikita. Maswerte pa rin akong may mga taong handa akong tulungan kapag kailangan ko kahit pa hindi ako ganoon naging kabait sa mga pinsan ko ay sobrang nagpapasalamat ako.
“I will. Update me everytime Hermes, the more information the better.” At pinutol ko na ang link na kumokonekta sa utak naming dalawa. Huminga ako nang malalim at isinulaty ang impormasyon nakuha ni Hermes sa papel bago ako tumayo at lumabas.
Kailangan kong magensayo at magehersisyo upang kahit papaano ay may laban ako sa pisikal na aspeto kapag nakarating na ako sa kapitolyo. Nais ko ring hasahin pa ang aking mga pandama dahil makakatulong rin ito. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko naisip na mawawala ang aking kapangyarihan at ngayon ay hindi ko ito napaghandaan nang maayos.
- K I N A B U K A S A N -
Naayos ko na lahat ng aking kagamitan at handa na akong umalis para mamaya. Binigyan ako ni Aling Maya nang isang jacket na mahaba at ilang mga makakapal na damit. Binaunan niya rin ako nang mga sangkap sa pagluluto at pangagamot dahil wika niya ay magagamit ko ito sa aking paglalakbay.
Noong nakaraang dalawang araw ay anagensayo lamang ako hanggang sa sumuko ang aking katawan. Pakiramdam ko naman kahit papaano ay nakatulong ito. Naguguluhan ako dahil simula noong bumalik na ang alaala ko ay nagsisimula nang sumakit ang aking likuran ngunit mas sumasakit ito paglipas nang mga araw.
Hindi ko alam kung epekto ba ito nang pagkawala ko nang aking kapangyarihan. Natatakot naman akong sabihin ito kay Aling Maya at baka hindi na ako pasamahin sa paglalakbay papuntang kapitolyo kaya naman sinarili ko na lamang.
Hindi rin kami nagkausap ni Hermes sa dalawang araw na lumipas at sana lamang ay sa mga susunod na araw may mga impormasyon na sila patungkol sa mga kailangan ko. Wala rin akong masyadong nabasa sa mga libro ni Aling Maya kaya umaasa na lamang ako sa mga pinsan ko kung ano man ang mahahanap nila. Nakakapagtaka lamang na hindi gaano naisusulat sa mga libro ang kasaysayan sa panahon ni Haring Jian Silveterra.
“Handa na ba ang mga gamit mo Hunt iho?” Wika ni Aling Maya na kumatok pa sa aking pintuan. Napabalik naman ako sa reyalidad dahil dito. Madaling araw pa lamang at sisimulan na namin ang aming paglalakbay dahil ilang oras pa daw bago kami makapunta sa pinakaunang bayan kung saan makakabili nang mga kagamitan si Vaughn.
“Opo Aling Maya, nagaayos na lamang po ako nang sarili.”
“Dalian mo diyan at nang makakain ka pa bago ka umalis.” Narinig ko ang mga yapak niya paalis at sinapit ko naman ang aking sarili. Suot ko ang itim na mahabang jacket na kabibigay lamang ni Aling Maya kahapon. Sa loob noon ay may kulay berde na medyo maitim na damit at itim rin ang aking pantalon.
Dala ko rin ang aking kutsilyo na kulay itim at ginto na may disenyong ahas sa hilt nito at nakapaikot ang ahas sa buong hilt. Ito ang armas na ibinigay sa akin ni ama noong ika-labing apat na kaarawan ko. Nagpapasalamat namanako kay Aling Maya at hindi niya ito kinuha mula sa akin dahil kahit papaano ay nakakuha ako nang lakas mula rito.
Lumabas na ako at naabutang nakaupo na silang dalawa sa mesa kaya naman inilapag ko ang gamit ko malapit sa salata at sumabay sa pagkain nila. Tahimik lamang kami at pakiramdam ko ay nalulungkot si Aling Maya sa pagaalis naming dalawa. Gusto ko mang magpaiwan ngunit kailangan ko ring gawin ang aking misyon nang sa gayon ay makabalik na ako sa Underwolrd at makausap ang aking ama.
“Magiingat kayong dalawa.” Nagyakapan kami ni Aling Maya nang ihinatid niya kami sa daan papunta sa mas malaking daan. Nais sana naming iwanan na siya sa loob nang bahayngunit nagpumilit siya kaya naman hinayaan na lamang naming.
“Magiingat ka rin ho, Aling Maya. Dadalaw ako dito kapag nagkaroon ako nang oras.” Tumango tango naman at siya kaya napangiti ako. Isa si Aling Maya sa mga Fae na hindi ko kinaiinisan, mukhang nagbabagao na ang aking pananaw sa kanila dahil samga ginawa niya para sa akin.
Nagyakapan din ang maglola at nang matapos ay kumaway ako bago sumunod kay Vaughn sa paglalakad. Nagulat ako nang hindi siya nagshapeshift bialng isang wolf upang mas mapabilis ang kaniyang paglalakbay. Hindi naman kaso sa akin ang tumakbo dahil pakiramdam ko ay kaya ko naman kahit papaano.
Tahimik lamang kaming naglalakbay at may tatlong metro ang layo namin sa isa’t isa. Mataas na ang sikat nang araw nang makaramdaman ako nang sakit sa aking likuran kaya naman napatigil ako sa paglalakad at napahawak dito. Mukhang napansin naman ito ni Vaughn kaya tumingin siya sa akin at tinaas ang kaniyang kilay ngunit hindi ko siya pinansin dahil mas sumasakit ang aking likuran paglipas nang mga segundo.
Umiigting na ang aking panga sa pagpipigil na hindi sumigaw at paunti unti ay sumasakit rin ang aking ulo. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at napaluhod na ako sa gitna nang daan. Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Vaughn upang tumulong.
“Hunt, you need to shift.” Hindi ko marinig nang malinaw ang kaniyang sinasabi dahil nakapokus ako sa sakit na nagmumula sa aking likuran. Ano ba kasing nagyayari at bakit sumasakit ang aking likuran? “Hunt! I said shift!”
“What? What shift?” Sigaw ko sa kaniya nang marinig ko na ang kaniyang sinasabi. Anong shift ba ang sinasabi nito? Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpokus sa aking paghinga. Kalaunan ay dahan dahan na ring nawala ang sakit sa aking likuran ngunit hindi pa rin nawawala ang sakit sa aking ulo. Ano bang nagyayari sa akin? Ito ba ang epekto kapag nawawala ang God Form ko?
Nang masigurong ayos na ako ay dahan dahan akong tumayo at napatingin naman ako kay Vaughn nang ibigay niya sa akin ang aking inumin mula sa dala dala kong bag. Nagpasalamat na lamang ako at uminom mula rito. Pagkatapos noon ay sabay na kaming naglakad na sa tingin ko ay napakaawkward dahil wala talagang maririnig sa amin.
Tumigil kami sa isang banda at pumasok sa mga kakahuyan upang kumain nang tanghalian. Nakarinig kami pareho nang agos ng tubig kaya naman dali dali kaming pumunta roon. Hindi ko alam ngunit mas bumilis ang aking pagtakbo at ilang saglit lamang ay nakarating ako roon. Napansin kong pinagmamasdan ako ni Vaughn ngunit hinayaan ko na lamang ito at kinuha ang tanghalian na iniluto ni Aling Maya at kumain.
“Why didn’t you shift?” Nagulat naman ako nang magsalita si Vaughn na ilang metro ang layo mula sa akin pagkatapos nang mahabang katahimikan naming. Napatingin ako sa kaniya at kumunot ang aking noo, iyan nanaman ang kaniyang tanong. Ano bang shift kasi ang sinasabi nang lalaking ito?
“What shift?” Wika ko naman pagkatapos kong malunok ang mga pagkaing nasa bunganga ko. Hinintay ko ang kaniyang sagot at napansin kong nagulat siya sa aking sinagot. Ano namang nakakagulat doon e hindi ko nga alam ang kaniyang sinasabing shift.
“You don’t know how to shift?” Ibinaba ko ang baunan na naglalaman nang tanghalian ko at inayos ito. Uminom rin muna ako nang tubig at kumuha sa ilog nang panibago para sa aking paglalakbay. Humarap ako sa kaniya na may seryosong ekspresyon.
“I don’t know what you are talking about. What is shift anyway?” Nagsimula kaong ayusin ang mga gamit ko upang masimulan na ulit naming ang paglalakbay. Palagay ko naman ay ilang oras na lamang at makakarating na kami sa bayan kung saan makakabili nang gamit.
Binigyan rin ako ni Aling Maya nang pera upang makabili rin ako nang mga nais ko sa bayan na iyon at nagdagdag siya dahil kakailanganin ko raw ito sa kapitolyo. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa matandang Fae na iyon at hindi ko makakalimutan na bigyan siya nang rewards pagkabalik ko sa Underworld.
Sinubukan ko namang iconnect ang aking mindlink kay Hermes upang sabihin sa kanila na umalis na ako sa bahay ni Aling Maya. Alam ko namang busy sila sa kanilang mga trabaho bilang mga diyos at diyosa pero alam ko ring magaalala ang mga iyon sa akin. “Hey Hermes! I’m already traveling with Vaughn to the capital city. Any news?”
Narinig ko ang kaniyang buntong hininga kaya naman napatigil ako. Mukhang may problema ata na hindi nila sinasabi sa akin ngunit tumahimik na lamang ako at inisip na tanungin na lamang ito sa mga susunod na pagkakataon. “We still couldn’t find any information about the lady Hunt. We’ll update you soon, you take care there.”
Napabuntong hininga rin ako dahil sa kaniyang sinabi at hinayaan na lamang ito. Alam ko namang sasabihin din nila sa akin agad kapag may nahanap na sila sana lamang ay sa mas madaling panahon dahil mahihirapan ako sa aking misyon kung saka-sakali.
Tumayo na ako at binuhat muli ang aking bag upang makapagsimula na sa paglalakabay. Napansin ko namang tahimik muli si Vaughn at para banag malalim ang kaniyang iniisip. Hindi ko pa rin maintindihan ang kaniyang sinasabi kaya naman tinanong ko siya patungkol rito. Tumingin naman siya sa akin at napansin ko ang naguguluhan at galit niyang ekspresyon.
Sumeryoso naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang magyayari sa akin kapag iniwan niya ako rito. Wala pang isang araw na magkasama kami at sobrang dami na agad ang nangyari. Pagkaraan nang ilang saglit ay naglakad siya palapit at pinaood ko lamang siya.
“Tell me, what kind are you?” Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang tanong. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay nahahalata na ni Vaughn ang uri ko kahit na hindi ko pa naman sinasabi sa kanila na nakakaalala na ako kaya naman itinuloy ko lamang ang aking pagpapanggap katulad nang nakasanayan ko. Sana lamang ay tama ang hinala ko na hindi pa nila alam na isa akong diyos. “I don’t know.”
Nagkatitigan kami at makalipas ang ilang saglit lamang ay naguguluhang tingin nalang ang nakikita ko sa kaniyang mukha. Medyo nagulat pa ako dahil nasanay na ako sag alit niyang ekspresyon sa akin kaya naman hindi ko inaasahang magiging ganito ang epekto nang paglalakbay namin. Lumapit siya sa mukha ko at nagkatitigan lamang kami mata sa mata habang hinihintay ko ang kaniyang sasabihin.
“You are a Fae, but I don’t know what kind of Fae you are.”