CHAPTER 17

2273 Words
Kinabukasan ay balik ulit kami ni Vaughn sa hindi pagpapansinan na para bang walang nangyari sa aming dalawa kahapon. Hindi ko na lamang ito binigyang pansin dahil pabor naman sa akin ang manatili rito nang ilang lingo pa bago ako umalis at simulan ang aking paglalakbay sa buong kaharian. Kailangan ko lamang muna nang sapat na impormasyon at pakiramdam ko ay mayroon namang libro patungkol dito si Aling Maya. Tinulungan ko si Aling maya na magluto kahit pa gumagamit siya nang kaniyang mahika. Sinabi kong nais kong matuto dahil ngayong wala pa ang aking kapangyarihan ay wala akong maasahan kung hindi ang gawin ang mga bagay bagay nang mano mano. Nagagalak naman siyang turuan ako kung kaya’t pinapanood ko siya sa ngayon. Mas maigi raw ang manood na muna bago gawin ang mga bagay bagay para kahit papaano ay alam mo na ang gagawin. Tinuruan niya ako nang mano mano gamit ang kaniyang mahika at kahit papaano ay naintindihan ko naman ito. Pinagmasdan ko ring maigi ang paggamit niya nang mahika nang sa gayon ay hindi ako manibago kapag nakasalamuha ako nang mga Fae sa paglalakbay ko. Hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang kanilang mga mahika dahil katulad naming mga God ay mayroon din silang common magic katulad na lamang nang pagpapalutang nang mga bagay bagay na lagging ginagawa ni Aling Maya. Ang common magic naming mga Gods ay ang teleportation at sparkle kung saan kaya naming takpan ang aming orihinal na anyo gamit ang aming mahika. Glamour naman ang tawag ng mga Fae sa kanilang sparkle na kapareho lamang nang sa amin. Hindi ko alam kung kaya rin ba nilang magteleport katulad namin ngunit may mga bagay silang kaunti lamang sa mga katulad ko ang may kakayahang gawin katulad na lamang nang shapeshifting. Ito na siguro ang isang palatandaan kapag ikaw ay isang Fae. Pagkatapos magluto ay sabay sabay muli kaming kumain sa hapagkainan at sa ngayon ay sobrang tahimik nang mesa. Napansin ko ring napapatingin sa aming dalawa si Aling Maya marahil ay inoobserba kaming dalawa. Hindi kami nagtitinginan ni Vaughn at kapag sabay kaming kukuha nang pagkain ay pinapauna ko na lamang siya. Ako na rin ang naghugas nang mga pinagkainan pagkatapos at dali dali naman siyang lumabas. “Anong nangyari sa inyo kagabi ni Vaughn iho?” nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Aling Maya mula sa aking likuran. Hindi ko man lamang siya namalayan at naiinis ako dahil dito. Kung dati rati ay kaya kong makaramdam nang abot hanggang ilang metro ang layo, ngayon mukhang Nawala rin iyon at hindi ko na ito magamit kung kalian naman kailangang kailangan ko ito. “Wala naman ho, hindi lamang po talaga kami magkapareho ni Vaughn kung kaya ganoon po ang turingan namin sa isa’t isa.” Binilisan ko na ang aking paghuhugas dahil balak kong hasahin muli ang aking pakiramdam. Mukhang ganoon na katagal ang lumipas kaya hindi na ganoong matalas ito. Napansin ko namang napatango tango si Aling Maya at kinuha ang kaniyang basket, hula ko’y mamimitas na siya nang mga halaman niya sa harap nang bahay kung nasaan ang hardin. “Pupunta ako sa karapit bayan, iho. Alam na ito ni Vaughn kung kaya inatasan ko siyang magbantay nang bahay ngayong araw. Kailangan kong manggamot nang ilang mga kababayan doon at magtatagal ako nang ilang oras. Nais ko sanang ipaalam sa iyo dahil napansin ko namang hindi ka kakausapin ni Vaughn kahit anong mangyari. O siya, alis na ako, magiingat ka.” Sinamahan ko siya hanggang sa harapang bahagi nang bahay kung saan matatagpuan ang daan na konektado sa malawak na daan ilang metro ang layo mula rito. Pinanood ko si Aling Maya na magibang anyo bilang paru-paro at lumipad nang mataas patungo sa karapit na bayan. Kung gayon, ang kanilang pagiibang anyo ang nagsisilbing transportasyon nila. Kung ang sa amin ay ang teleportation na isang pitik lamang ay makakarating ka na, sakanila naman ay shapeshifting. Inilagay ko ito sa aking isipan bilang parte nang aking pagkakalap nang impormasyon. Unti unti ay naiintindihan ko na ang kanilang uri. Naglakad pabalik sa bahay upang simulant ang paghahanap ko nang mga impormasyong makakatulong sa akin. Kailangan kong malaman kung anong kaharian ba ang dapat kong pabagsakin. Naalala kong kailangan kong maging commander nang military nang kahariang ito nang sa gayon ay mas marami akong koneksyon sa loob. Hindi ko alam kung papaano ko ito ibabahagi kay ama ngunit tsaka ko na ito iisipin kapag bumalik na ang aking kapangyarihan. Pumasok ako sa loob nang bahay at pumunta sa may sala kung nasaan ang mga librong sa palagay ko ay ginamit ni Aling Maya sa mga panggagamot niya. Kumuha ako nang isang libro na sa tingin ko ay may kaugnayan sa kailangan ko at dinala ito sa loob nang aking kwarto. Dumiretso ako sa mesa at kumuha nang papel at panulat bago nagsimulang magbasa. Napansin kong iba’t ibang uri pala nang hayop ang pagiiabng anyo nang mga Fae at isang hayop lamang ito sa isang tao. Kung gayon ay white wolf lamang si Vaughn habang butterfly naman ang kay Aling Maya. Kakaiba ang lakas nila sa ganitong uri dahil pati ang lakas at kapangyarihan nang hayop sa looban nila ay magagamit nila hindi katulad kapag nasa anyong tao sila. Kapag namatay ang isang Fae habang nasa kaniyang animal form, ibig sabihin noon ay namatay na ang kaniyang alaga sa loob na tinatawag nilang animal spirit. Madalas ay nangyayari ito tuwing gyera at nababaliw ang mga Fae kapag nawawala ang animal form nila sa kanila, ibig sabihin nito ay hindi na sila maaaring makapagshapeshift habang buhay. Nakabond ang mga ito mula pagkabata at nakadikit ang kanilang mga kaluluwa sa isa’t isa. Ngunit dahil nga may kakaibang lakas pa ang mga Fae, hindi sila agad namamatay kapag namatay ang kanilang mga animal spirit.  Iba ang kanilang common magic mula sa kanilang actual magic. Ang actual magic nila ang siyang pinakamalakas at ito rin ay kakaiba sa ibang mga Fae. Kadalasan ay hindi sila parepareho nang kapangyarihan nila kahit na nasa iisang pamilya lamang sila. Nagsisimula itong lumabas sa edad na apat at papapuntahin ang mga batang Fae sa isang paaralan kung saan nila matututunan ang kanilang mga kapangyarihan. Pwede rin silang turuan nang kanilang mga kapamilya kapag alam nila ang uri nang kapangyarihan nito. Ang kanilang common magic ay nagsisimula pagkapanganak kaya nagsusuot sila nang sealing bracelet upang hindi nila ito magamit nang hindi nila nalalaman. Kadalasan ay isinusuot ang bracelet na ito sa mga sanggol hanggang sa mga tatlong taong gulang. Pagkarating nang apat ay tsaka pa lamang nila mahahasa ang kanilang common magic kasabay nang actual magic. Pagkatapos kong mabasa at masulat ang mga ito ay tumayo na ako upang hasahin naman ang aking pandama. Hindi ko hahayaang, maging marupok ang aking pandama dahil delikado ako ngayong wala pa ang aking kapangyarihan. Aasa na lamang ako sa talas nang aking senses upang makasigurong makakaligtas ako sa delikadong lugar na ito. Iniligpit ko nang maayos ang papel na pinagsulatan ko nang mga impormasyong nabasa ko at dinala ang libro palabas ang kwarto upang isauli ito. Nagulat ako nang pagtapak ko sa labas nang aking kwarto ay nasa tapat din nang kaniyang pintuan si Vaughn. Nagkatinginan kami at siya na ang unang nagiwas at pumasok sa loob. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at ibinalik ang libro bago lumabas nang bahay. Nagisipan kong pumunta na lamang sa kagubatan at doon magensayo dahil mas malawak ang paligid doon. Nais ko ring lumayo mula kay Vaughn dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkausap kaming muli nang wala si Aling Maya. Habang nageensayo ako ay may naramdam akong malakas na enerhiya sa isang bahagi ng kagubatan malapit sa akin kaya dali dali akong tumigil upang puntahan ito. Mabuti na lamang at nageensayo ako dahil palagay ko ay gumana na ito sa ngayon. Nagsimula akong maglakad nang tahimik pa punta sa lugar kung saan ko ito naramdaman. Napansin kong may itim na bilog ang nagsisimulang mabuo mula sa lupa at palaki ito nang palaki pagkalipas nang ilang panahon. Pinanood ko lamang ito dahil hindi ko naman alam kung dapat ba akong sumugod nang wala akong armas o kapangyarihan. Pagkaraan nang ilang sandal ay may lumabas na tao mula sa butas at dali dali naman itong nawala pagkatapos. Nagulat ako sa nangyari at dali daling nilapitan ang taong iyon. “What the hell are you doing here?” Mahinang bulong ko sa kaniya, hindi ko alam kung bakit ngunit hindi siya maaring makita ni Vaughn dahil kailangan ko pang magawa ang aking misyon. Nasisiguro kong papaalis ako ni Vaughn kapag nagkataon. “Well, nice to see you again cousin.” Napapisil ako nang tuktok ng aking ilong dahil hindi man lamang sinagot ni Hermes ang aking tanong. Masaya akong nahanap niya ako ngunit hindi ko alam kung dapat bang magusap kami rito dahil hindi ligtas sa lugar na ito. Hinila ko siya sa isang tagong lugar kung saan maraming mga bato at nagpahila naman siya sa akin. “Seriously Hermes, what are you doing here? How did you even find me?” Tinitigan ko siya nang derekta sa kaniyang mata at wala naman na siyang nagawa kung hindi ang magbuntong hininga at sabihin sa akin ang totoo. “It’s been weeks since the last time you went home, Hunt. We asked Hades but he never wanted to answer us so we decided something might have happened. Now, tell me what really happened.” Matagal pa bago ako muling nagsalita. Katahimikan lamang ang namayani sa amin pagkatapos kong ikwento lahat nang nangyari at napansin ko naman ang unti unting pagusbong nang galit sa mukha ni Hermes. Hindi ko pa siya nakikitang magalit kaya naman nagugulat ako sa mga nangyayari gayon. Una, nahanapniya ako rito sa Fae World, pangalawa itong nakikita kong ekspresyon sa kaniyang mukha. “That is sick, I can’t wait to tell this to Aphrodite and Apollo, maybe they’ll come here as well to get you back.” Umiling ako sa kaniyang sinabi. Hindi pwedeng bumalik ako sa Underworld nang walang kalaban laban sa aking ama. “I don’t have my powers back Hermes, I don’t know how long before it will return or if it would ever return but right now, I need to finish my mission here.” “How can you even do that without powers? That is why you can’t contact any of us. It took us weeks just to find you Hunt.” “Look, I just regained my memory yesterday, so I really don’t remember any of you for the last weeks but hear me out. I think father really wanted me to stay here for good, what else would be the reason to end me?” Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Hermes. Pareho kaming nagiisip kung papaano ang gagawin sa sitwasyong mayroon ako ngayon. Hindi naman siya pwedeng manatili rito sa Fae World dahil may trabaho rin siya sa Olympus bilang mensahero nang mga Diyos. Hindi ko man banggitin sa kaniya ay sigurado akong ramdamniyang nagpapasalamat ako sa pagbisita at paghahanap nila sa akin, nais ko mang bumaliksa Underworld upang makasama silang muli ngunit mas kakailanganin kong sagutin ang aking mga katanungan. “I’ll just visit you then, from time to time. I’ll tell Apollo and Aphrodite about this. You think I can share this to Hecate?” napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Siya na ang tumayong ina ko at siya rin ang madalas na nagtuturo at tumutulong sa akin kapag nahihirapan ako sa pagcontrol nang aking mahika kaya hindi naman siguro masamang sabihin sa kaniya ang mga nangyari sa akin. “Just don’t tell anyone but the four of you. Father wanted to get rid of me so he sent me here, I think he thought I could die with what he did back then, I just didn’t know how I survived.” Napatango tango naman siya sa akin at hinawakn ang aking noo. Nakaramdam ako nang malamig na mahika at pakiramdam ko ay gumawa nang koneksiyon si Hermes sa akin at sa kaniya. “So, you can talk to me through your mind without anyone noticing. In this, we could be able to track you easily in case you start your mission.” Napatango naman ako sa kaniya at nagpasalamat. Nagulat pa ako nang pagkapitik nang kaniyang mga kamay ay may lumabas na ambrosia at ibinigay niya sa akin ito. Napangiti naman ako dahil doon, sana lamang ay makatulong ang ambrosia na ito upang bumalik na ang aking lakas bilang isang Diyos. Dali dali kong ininom ang isang bason a parang uhaw na uhaw at nang maubos ay binigyan muli ako ni Hermes nang isa pa. Kailangan ko raw uminom nang marami upang hindi mawala ang koneksyon ko sa aking God Form. “Go now Hermes, I need to go back it’s getting late.” Wika ko nang mapansin kong nagsisimula nang dumilim ang paligid. Napabuntong hininga naman si Hermes at tumayo tsaka gumawa nang portal sa lupa katulad na lamang nang lumabas kanina. Nagtapikan kami nang likod bago ko siya pinanood na umalis nang mundong ito. “See you again soon, Hunt. Goodluck!” Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi at pinanood siyang lamunin nang itim na liwanag at dalhin pabalik sa aming mundo. Ngayong wala na siya ay pakiramdam ko’y magisa nanaman ako sa mundong ito. Nagsimula na akong naglakad pabalik upang ituloy ang aking pagkakalap nang impormasyon. Ngayong may koneksyon na ako sa Underworld ay sa tingin ko naman kahit papaano ay mapapadali na ang misyon ko. Sana lamang ay mas mapabilis ang pagbabalik nang aking kapangyarihan dahil kakailanganin ko ito sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD