FØUR

1004 Words
Chapter 04 JHØNALYN POV MABILIS AKONG PUMSOK sa kusina nang marinig kong tinatawag ako ni Tiya Silvia. Nagpupunas pa ako ng kamay noon dahil nagsisimula na akong maglaba sa likod bahay. Pagdating ko sa kusina, siya na lang ang nando'n, wala na ang mag-ama niya. Hindi ko alam kung kumain na ang isang lalake. “Po?” Magalang kong tanong. “Linisin mo na dito. Tapos na kaming kumain. Pagkatapos niyan, ayusin mo rin ang buong bahay. Ayaw kong may maiiwang alikabok, lalo na sa kwarto ng anak ko. Gusto ko malinis ‘yon, para hindi siya magalit sayo." Tumango naman ako ng mahina. “Sige na, ligpitin mo na ‘yan.” Dagdag pa niya bago umalis ng kusina. Naiwan ako sa kusina at huminga ng malalim. Pagkatapos, sinimulan ko na ang pagligpit ng pinagkainan nila. Hindi ko napigilang kumuha ng isang pirasong hotdog, dahil kumukulo na ang tiyan ko. Wala naman kasi akong almusal. At parang ang konti lang ng kinain nila, ang dami pa kasing natira. Ganito siguro kumain ang mayayaman. Sayang at wala rito ang mga kapatid ko. Kung nandito lang sila, ipapakain ko sana sa kanila ‘to. Pero malayo sila, kaya napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga at nagpatuloy sa paglilinis. Mamaya na ako kakain, kapag wala na sila. Baka kasi may ipagawa pa ulit sa akin si Tiya Silvia. Nagpatuloy na lang ako sa kusina, habang nakasalang ang mga labahan ko sa washing machine. Makalipas ang ilang minuto, tinawag ulit ako ni Tiya Silvia. Agad akong lumabas ng kusina at nakita ko siyang nakatayo sa may pinto. “Aalis na kami. Maglinis kang mabuti at ayusin mo ‘yang mga labahin mo, ha? Baka mamantsahan ang mga puti. At isa pa, dito kumakain ang kapatid ng asawa ko. Yung lalaking kanina, si Benjie ‘yon. Ipaghanda mo siya kapag kakain na.” Kapatid pala ng asawa niya si kuya Benjie, akala ko boy lang nila. “Opo, Tiya,” Tugon ko. “Oh siya, aalis na kami. At baka makipaglandian ka pa sa kapatid ng asawa ko, ha? Ayoko ng malanding katulong.” Mataray na sabi nito sakin habang nakataas ang kilay at nang-uuyam ang tingin. Napakagat naman ako sa ibabang labi. Grabe naman ‘yung akusasyon. Wala pa nga akong nagiging boyfriend, tapos makikipaglandian pa raw ako? Hindi ko nga halos kilala ‘yung tao! Huminga na lang ako ng malalim at bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang trabaho ko. Pagkatapos kong magligpit, lumabas ako sa likod para tingnan kung tapos na ang unang ikot ng salang. Pagbalik ko sa kusina, naupo ako saglit para kumain. Gutom na kasi ako. Pero habang kumakain ako, biglang pumasok si Kuya Benjie. May hawak siyang tasa, mukhang kape. Habang nakatingin sakin. Kinabahan tuloy ako. “May kailangan po kayo, Kuya?” tanong ko. Umiling lang siya at dumiretso sa lababo. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko, pero natigilan ako nang mapansin kong nakatingin siya sa akin. “B-bakit po?” tanong ko, halos kinakabahan. Kami lang kasi ang tao sa bahay. Tahimik siya, at may kung anong kakaiba sa tingin niya, parang mabigat. “Wala. May pagkain pa ba?” Mahina niyang tanong. “Opo, gusto niyo po bang pagsandukan ko kayo?” Sagot ko agad. Akala ko kumain na siya kasama nila Tiya Silvia. “Sige. Padala mo na lang sa kubo,” Maikli niyang sabi bago umalis. Napakurap ako. Pwede naman siyang kumain dito, bakit sa kubo pa? Pero sige na lang, mas okay na rin, kaysa nandito siya. Nakakailang kasi. Gwapo naman siya, pero parang nakakatakot. Pinaghanda ko siya ng almusal, gaya ng bilin ni Tiya Silvia. Ayokong mapagalitan nito kapag hindi ko inasikaso ang kapatid ng asawa niya. Pagkatapos, lumabas ako ng bahay at pumunta sa kubo. Nakita ko siyang nakahiga sa mahabang upuan, na tila natutulog habang walang saplot na pang-itaas. “Kuya, ito na po ‘yung pagkain niyo,” Sabi ko, at nilagay sa mesa ang tray na may laman na pagkain niya. Mabilis naman siyang bumangon at tumingin sa akin. At gaya ng dati, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil dalawa lang kami. “Salamat,” Tipid niyang sagot. Tumango lang ako at agad nagpaalam. Pero habang papalayo ako, naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Dahan-dahan akong lumingon, at nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. Mabilis akong bumalik sa bahay at agad nilock ang pinto. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba o takot. Baka kasi may gawin siyang masama sa akin habang wala kaming kasama. Huminga ako nang malalim, paulit-ulit, bago bumalik sa labahan. Kaunti na lang naman, matatapos ko na rin. Pagsapit ng alas-diyes, natapos na ako sa paglalaba. Umakyat ako sa itaas para maglinis ng mga kwarto. Apat pala lahat ‘yung nasa taas, at may isa pa sa ibaba, bukod sa kwarto kong maliit. Binuksan ko isa-isa ang mga pinto. Nang buksan ko ang unang kwarto, napahinto ako. Napakaganda. Mukhang kwarto ‘yun ng anak ni Tiya Silvia, maaliwalas, kulay pastel ang dingding, may malaki pang TV sa pader. Sa gilid ng kama, may puting mesa na may pink na balahibong sapin at mga nakahilera pang gadgets at school stuff. Hindi ko napigilang mapangiti, pero kasabay no'n ang kurot sa dibdib. Sana ganito rin ‘yung kwarto ko noon. Sana ganito rin ‘yung buhay namin. Kung naging masipag lang sana si Papa, kung hindi kami ganito karami sa bahay, baka nag-aaral pa rin ako ngayon. Hindi sana ako katulong. Hindi sana ako naglalaba habang ‘yung iba, nakaupo lang sa harap ng computer. Pero hindi ako pwedeng mainggit. Mahal ko ang mga kapatid ko. Kung bakit ako nandito, para sa kanila ‘yon. Hindi ko ipagpapalit ang mga kapatid ko kahit sa maginhawang buhay. Balang araw, makakaahon din kami. Mag-iipon ako, kahit hindi na ako makapag-aral, basta sila, makabalik sa school. Gano’n ko sila kamahal. Kahit hindi na ako mag-asawa, basta sila, magkaroon ng maayos na kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD