CHAPTER 3
Deep blue eyes
Maagang gumayak si Alyana papunta sa kaniyang shop. She owns a coffee shop na dinadayo ng karamihan. Magti-three years na ang kaniyang coffee shop at sa three years na iyon ay unti-unti rin itong lumalaki. She can say na stable na ang buhay niya. Hindi niya na kailangan ang kaniyang mga magulang. She can stand on her own now. Pwede na nga siyang mag asawa eh. Twenty eight na siya. Pwede na siyang mag asawa. Pero wala pa atang plano ang boyfriend niyang magpropose sa kaniya. They’ve been together for almost 3 years now at madalang lang silang magkitang dalawa. She understand though. Busy kasi ang boyfriend niya sa career nito as a model kaya naiintindihan niya kung bakit wala itong masyadong time sa kaniya. Bumabawi naman kasi ito kapag may freetime at ibinubuhos talaga nito lahat ng atensiyon sa kaniya. Thats what he like about his boyfriend. Yes, like. She doesn't know kung inlove ba talaga siya sa boyfriend niya. Nang magising kasi siya isang araw sa isang hospital ay nagpakilala ito bilang boyfriend niya ng tanungin niya kung sino ito at ano ang ginagawa niya sa ospital na iyon.
Nang sabihin nitong boyfriend niya ito ay wala siyang naramdamang kakaiba. Naniwala nalang siya dito ng mismong mga magulang niya na ang nagkumpirma nito. So pinakitunguhan niya ng maayos ang lalaki even though she was still not sure. Her mind that time telling her to accept things pero taliwas ang sinasabi ng puso niya kaya hinayaan niya nalang iyon. She doesn't want to look bad and rude back then. But later on unti-unti niya ng nagugustuhan ang lalaki. Mabait naman kasi ito at maalagain. So she give it a shot nalang thats why they reach three years of their relationship. Though parang one-sided lang naman but she never make him feel it.
Ang hirap pala talaga kapag may amnesia ka. Sabi ng doctor niya ng magising siya mula sa pagkakacoma ay miracle daw na nabuhay siya. Yun nga lang a part of her was gone. Her memories were erased from her mind and she can't remember what happened to her. Ang tanging naalala niya lang ay ang childhood memory niya hanggang sa pag-eighteen years old niya. Nothing more kaya parang may malaking kulang sa pagkatao niya. From the moment she woke up akala niya noon ay eighteen pa siya kaya hindi siya naniwala sa boyfriend niya ng panahon na iyon. But when her parents told her that she's already turning 25 ay naguluhan lang siya at doon nila nalaman na may selected amnesia pala siya. Which explains everything dahil wala siyang malala.
Abala si Alyana sa pagbe-bake ng cupcakes at cookies ng bumukas at sumara ang pinto ng kaniyang shop. Kaya sinilip niya ito. She saw a tall man with his hoody walking in her shop.
“Good morning sir. How may I help you?” Masaya ang way ng pagbati niya sa first customer niya ngayong araw habang papunta siya sa kasehera. Huminto ang lalaki sa mismong tapat niya at iniangat ang ulo nitong nakayuko. She felt goose bumps all over her body when a deep blue eyes stared right through her very soul. She knew this man. Ito iyong nakabangga niya last day.
“Do you sell banana cake here?” His baritone voice feels like a melody to her ears. She felt like she have known this voice for a long time.
She shook her head ng mapansing nakatitig lang sa kaniya ang lalaki. Okay? What is that? What was he asking again? The banana cake Yana. He was asking if you have banana cake for sale?! Her mind shouted at her.
“We’re very sorry sir. Wala kaming binibentang banana cake.” She politely answered with a sad tone. Okay? Where did that came from?
“Is that so? Can I have a blueberry cheese cake, a chocolate cake, a coffee and a one glass of water instead?” The guy ordered instead. Tumango siya at sinabi rito kung magkano lahat. Then the man paid for it at umupo na sa isa sa mga upuan doon. She then serve his order on his table. When it all set tumalikod na siya para bumalik sa loob ng hawakan nito ang kamay niya. Para siyang nakurente sa hawak nito. Napakunot ang noo niya at nagtatanong na tumingin sa binata.
“Can you please join me for a moment? It’s very lonely to eat alone.” His voice was almost pleading. Napalunok siya. Okay? What is this man up to?
“I’m sorry sir. But I have to attend more customers.” I politely declined his offer.
“Come on. Masyado pang maaga. Wala pa namang ibang customers. I bet you haven’t eat breakfast yet. Sabayan mo nalang ako. You can have the blueberry if you like.” Sabi naman nito at hinihila siya paupo sa tabi nito. Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan nalang ito ay sabayan sa pagkain. Nagugutom rin kasi siya eh.
Ibinigay nito sa kaniya ang blueberry cheese cake at ang baso ng tubig. He smiled at her exposing his dimples. “Eat up.” Sabi nito at nag simula na ring kumain. Kumain na rin siya ngunit dahan-dahan lang. Then she remember what happened last day.
“I’m sorry for what happened the other day. I didn’t saw you crossing.” She formally said to him na nakapagpatigil sa pagsubo nito ng cake sa bibig.
“It’s alright. No big deal.” Kibit balikat nitong sabi at bumalik na sa pagkain. Nakatitig lang siya sa lalaki habang kumakain. She feels like it was deja vu. Parang nangyari na ito dati. Then a memory starts to flash on her mind.
~
Alyana was smiling when she gets off of her girly bicycle. She giggled when she saw her favorite coffee shop. Papasok na sana siya ng may marinig na barang sinagasaan na bisikleta. Then she saw her precious bicycle hit by a motor bike. Umusok ang ilong niya sa nakita. How dare this guy ruined her bicycle?
“Oh? Was that yours?” A guy asked her. She glared at the rude guy.
“How dare you do that to my precious bicycle?!” She angrily spat at his face. She was trying to see his face pero natatabunan iyon ng sombrero. Imbis na bumaba ang lalaki ay umalis ulit ito at nasangga nito ulit ang kaniyang bike. Jerk! Badboy! She said to herself.
Masama ang loob na pumasok siya sa coffee shop at nag order ng paborito niyang kainin. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya sa sama ng loob. Nakayuko lang siya hanggang sa maiserve ang inorder niya. Mabagal lang siyang kumain. Tapos pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya inangat niya ang kaniyang ulo just to see the jerk right in front of her.
“What are you doing here?” Malamig niyang tanong dito. Umupo ito sa harapan niya at itinulak ang isang box ng cake palapit sa kaniya. The guy still wear his cap kaya hindi pa rin niya kita ang mukha nito. “Eat up.” Sabi nito at tiningnan siya sa mga mata. Right then and there she saw his beautiful eyes. They were blue and very deep. Sa unang tingin ay aakalain mong Korean ito because his features says it all. But when you look at him the second time you will see his western features because of his eyes. Pero ang mga nito. Iyon ang unang nakakuha ng kaniyang pansin. And she felt like she is drowning on it.
~
Napakurap-kurap si Alyana ng ilang beses. Totoo ba iyon? Bakit nasa alaala niya ang lalaking kaharap niya ngayon? What does it mean? And this man knows her name the moment they first met. Is he part of her past? She has to know. She needs to ask him.
“Ahm. Excuse me mister? Did we meet before? Did I know you before?” The guy suddenly stopped eating but didn't bother to look at her.
“Absolutely not. We’ve just met the other day.” Cool nitong sagot. Pero hindi siya kuntento sa sagot nito.
“But you call my name that day.” Pagpupumilit niya. Inangat ng lalaki ang mukha niya at tiningnan siya sa mga mata.
“I mistook you for someone else. I’ve got to go.” Malamig na sabi nito at nagmamadaling umalis. Napatanga nalang siya at nanatili lang doon. She left confious. Maraming siyang tanong na nais masagot. At malakas ang kutob niya na ang lalaking iyon ay parte ng nakaraan niya. She has to do something about it. But the problem is she doesn't know where to start.