CHAPTER 5

1568 Words
CHAPTER 5 It's him Mabuti nalang at hindi na bumalik ang mga babaeng iyon sa coffee shop niya. Buong akala niya ay reresbakan siya ng mga ito. Sa mga itsura kasi ng mga ito, hindi sila ang mga uri ng tao na nagpapatalo. But she was glad though. Ang pinaka ayaw niya kasi sa lahat ay iyong may kaaway siya. Hindi kasi kumportable kapag may kaaway ka. Parang anytime may haharang nalang sayo at gagawan ka ng masama. That is why she really did her best to avoid nonsense fight. Wala naman kasi siyang mapapala sa pakikipag away. Today is Sunday kaya hindi siya pupunta sa coffee shop niya ngayon. Araw nila ng boyfriend niya ngayon at magkikita silang dalawa. Once a week nalang silang magkita dahil parami ng parami na ang mga projects nito hindi kagaya ng dati. She was almost done with her make up when her phone rangs. Itinigil niya ang pag aayos ng sarili at sinagot ang tawag. It's her boyfriend Edward. “Hey Ed. I’m almost done. Will you pick me up?” She sweetly asked. “Uhm. That’s why I called babe. Hindi tayo tuloy ngayon. Something came up and I coudn’t say no. Hope you understand Aly.” Bumuntong hinga siya. “It’s okay. Sure, I understand.” Sagot niya nalang dito. “Thanks babe. Sorry talaga. Babawi ako next time okay? Take care. Love you Aly.” Masayang sabi nito sa kabilang linya. “I know. Bye.” At pinatay niya na ang tawag. Ibinaba niya ang kaniyang phone at humarap sa salamin. "Guess I'll go out alone." Nakangiting niya sabi bago kinuha ang kaniyang sling bag na chanel at lumabas na ng bahay. Pupunta nalang siyang mall at aaliwin ang kaniyang sarili.  Bored na nakikinig si Kean sa kaniyang kaharap. Ang dami pa nitong paligoy-ligoy na sinasabi alam niya naman ang pakay nito. Malapit na siyang mairita sa totoo lang. “Just go straight to the point Mr. Arguelles. I don’t have much time with your craps.” Iritadong turan ni Kean sa kaharap. “I’m sorry Mr. Han. All I’m saying is that, if ever you invest in our company we will guarantee you more than you can imagine.” Kumpyansang saad ng matanda sa kanya. “Is that so Mr. Arguelles?” Tumango ang matanda sa kaniyang tanong. He smirked. More than I can imagine huh? Bulong niya sa isip. “Well, let me think about it again Mr. Arguelles, if you don’t mind. I’ll just read your proposal again tonight.” I’ll burn it later instead. Tumango ulit ang matanda sa kaniyang sinabi. Nakangiti rin ito na para bang nanalo sa lotto. He smirked again. Poor Mr. Arguelles. He didn’t know what will happen later. Matapos ang meeting ay naisipan niyang maglibot muna sa mall. He owns the mall kaya lahat ng mga nadadaanan niyang mga empleyado ay yumuyuko at binabati siya. Ngunit hindi niya nalang pinapansin ang mga ito. Patuloy lang siya sa paglalakad ng mapahinto siya sa harap ng isang salon at nakatingin sa nag iisang customer na naroon. He smiled. She hasn’t change a bit. Bulong niya sa isipan niya. Naglakad siya upang pumasok sa salon ng may maalala. Nawala ang mga ngiti niya. Tumalikod siya at naglakad na palayo sa salon. Now is not the right time. I need to fix something first. Nakakuyom ang kamao niya ng tuluyan niya ng nilisan ang mall.          Napangiti si Alyana ng makita ang repleksiyon niya sa salamin. Narito siya sa isang salon sa loob ng mall. Na isipan niya kasing magrelax. She wants to pamper herself. And this is her way of relaxing. Ang magpaganda. She giggled. Her boyfriend will be thrilled pag nakita nito ang bagong ayos niya. Simula kasi ng maaksidente siya hindi pa niya pinaputulan ang buhok niya at sobrang haba na nito. Lampas na sa bewang niya kaya naisipan niyang magsalon at pagupitan ang kaniyang mahabang buhok. Ngunit hindi rin naman niya pinaiklihan kasi pinakulot niya ito na parang goldilocks at pinakulayan. Kaya ang ending itim ang puno ng buhok niya at blonde ang dulo. Maganda naman ang resulta. Nagmukha siyang manyika. Pumunta siya sa cashier at nagbayad. Pinuntahan niya rin ang baklang nag ayos sa kaniya kanina. Nagpasalamat siya at binigyan ito ng tip dahil sa ganda ng serbisyo nito. Nakangiti siyang lumabas ng salon. Nakaramdam siya ng gutom ng maamoy ang mabangong aroma ng pagkain sa paligid. Nagtungo siya sa isa sa mga restaurant doon at umorder. Paupo na sana siya ng mapansin ang isang card sa ilalim ng mesa. Pinulot niya ito at napalingon sa paligid. Nagkibit siya ng balikat at umupo bago tinignan ang calling card. Nahigit niya ang hininga ng makita ang maliit na litrato sa gilid. It’s him! Anas ng kaniyang isipan ng makilalang iyon ang lalaking kaniyang hinahanap. Agad niyang tinignan ang pangalan nito. Kean Josh Han. Pagbasa ni Alyana sa calling card. Sumikdo ang puso niya ng malaman ang pangalan ng lalaki. Then her head throbbed. The next thing she knew was she already passed out. -- Iminulat ni Alyana ang kaniyang mga mata. Medyo kumikirot pa rin ang ulo niua pero natotolerate niya naman ang sakit. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina. Napabalikwas siya ng bangon at inikot ang paningin sa buong kwarto. The room is not familiar to her. Nasaan kaya siya? “I can see you’re already awake?” Napabaling siya ng tingin sa may bintana ng kwarto. Doon kasi nanggaling ang baritonong boses na iyon. May nakatayo doong isang lalaki na nakatalikod mula sa kaniya. Pansin niya rin na madilim na sa labas. Ibig sabihin gabi na. “Uhm. Why am I here?” Tanong niya sa lalaking nakatalikod. Nanalaki ang mata niya ng humarap ang lalaki sa kaniya. She can’t believe it. Nasa harap niya ngayon ang lalaking hinahanap niya. “You passed out. The restaurant called me.” He casually answered her question. Pero kumunot ang noo niya sa sagot nito. Tila alam nito ang iniisip niya kaya nagsalita ito ulit. “They saw you holding my calling card. That’s why they called me.” Simpleng sabi nito at umupo sa sofa. Tumango tango nalang siya. “Is this your house?” Tanong niya nalang dito. Hindi ito sumagot kaya tiningnan niya ang lalaki. Napalunok nalang siya sa uri ng titig nito sa kaniya. “Is there something wrong with my face?” She awkwardly asked. “None. You’re just too beautiful.” Tumayo ito at naglakad papunta sa pinto ng kwarto. Pakiramdam ni Alyana ay pinamulahan siya ng pisngi sa sinabi ng binate. Binate pa ba ito? “Follow me downstairs. We’ll have dinner. After that I’ll take you home.” Sabi nalang nito at nilisan na ang kwarto. Napabuga siya ng hangin. This man is really cold and snob indeed. Mukhang mahihirapan siyang makumbinsi ito. Sumunod na siya sa lalaki. Pagkalabas niya ng kwarto ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Naglakad lang siya ng naglakad sa mahabang hallway na iyon. Hindi niya alam pero parang may mga sariling utak ang mga paa niya na patuloy lang sa paglalakad. Napatigil siya sa harap ng isang pinto. Hindi niya alam kung bakit siya naroroon. Nalilito siya sa kaniyang sarili. Pakiramdam niya ay nakatira na siya sa bahay na iyon noon. Kinakabahang binuksan niya ang pinto. Good thing hindi ito nakalock kaya pumasok siya sa loob. Pagkapasok niya ay sobrang dilim ng paligid. Kinapa niya ang kaniyang cellphone at pinaikaw ito. Hinanap niya ang switch ng kwartong iyon. Nang makita niya ito ay agad niyang tinap ito at umilaw ang buong paligid. Medyo nasilaw pa siya ng kaunti. Pero maya-maya lang din ay naging klaro na ang paningin niya. Sinuyod niya ng tingin ang buong kwarto. Puno ito ng alikabok at halatang matagal ng hindi nagagamit. “Mas malaki pa ang kwartong ito kesa sa kwarto kanina.” Bulong niya sa sarili at tiningnan ang buong paligid. Sa palagay niya ay ito ang master's bedroom. Base sa laki ng kama na nasa gitna hindi na nakakapagtaka. “Bakit hindi kaya ito ginagamit?” Curios niyang tanong sa sarili. Hindi siya mapalagay kaya naglibot siya sa loob ngunit walang ginagalaw na kahit anong gamit. Napadako ang tingin niya sa isang itim na tela na nakasampay sa dingding. Kung pagmamasdan ay parang may tinatakpan itong isang napakaling frame. Katabi nito ay ganoon rin kalaking frame na may takip. Lumapit siya sa isang frame at hinawakan ang laylayan nito. Bahagya niya iyong inangat at sumilip mula sa ilalim. Ngunit hindi niya makita ang litrato. Kaya kinuha niya ulit ang kaniyang cellphone para pansilbing flashlight. Itinapat niya ito sa ilalim na bahagi ng frame na may nakasulat. Inilapit niya ang kaniyang mukha dito dahil hindi niya klaro ang nakasulat dahil maliliit ang mga ito. My beautiful Alyana. Pagbasa niya. Nang mabasa niya ang nakasulat ay may alaala biglang lumitaw sa isipan niya.   ~~          “Hala! Bakit nandiyan kaagad iyan?” Tanong niya sa kaniyang sarili ng makita ang kaniyang litrato na nakasabit na sa dingding. “Beautiful isn’t it?” Ani ng lalaki sa kaniyang likuran. Naramdaman niyang niyakap siya nito at hinalikan ang kaniyang pisngi. Sumimangot naman siya. “Ehhh! Ang pangit ko kaya diyan. Tanggalin mo yan!” Nagtatampo niyang saad dito. Tumawa lang ang lalaki sa kaniyang sinabi. “I'm sorry baby. I won’t take that down. It’ll stay there forever.” Ani nito na natatawa. Sumimangot siya ng tuluyan. “I love you.” Anas nito ulit at mariin siyang hinalikan sa mga labi na buong puso niya namang tinugon. ~~ “What are you doing here?” Napaigtad siya sa gulat ng marinig ang galit na boses ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD