CHAPTER 25 Collaboration NAGISING si Alyana na nasa bisig na siya ni Kean. Nakayakap ang mga braso nito sa kaniyang bewang. Nakatalikod siya rito kaya gumalaw siya upang makaharap sa asawa. Gumalaw ng bahagya si Kean. Akala ni Alyana tuluyan na itong magigising hindi naman pala. Pinakatitigan ni Alyana ang gwapong mukha ng asawa. She traced his nose with her fingers. Hindi niya talaga mapigilang titigan ang kagwapuhan ng asawa niya. Kahit nakapikit ang mga mata nito hindi makakailang gwapo talaga ito. Kaya ang dami niyang kaagaw sa asawa eh. Sobrang gwapo kasi. Inilapit ni Alyana ang mukha palapit sa mukha ni Kean at hinalikan ito sa labi ng mabilis. Kumunot ang noo ni Kean. Napaatras si Alyana ng magmulat ito ng mga mata. “Good morning Husband.” Malambing na aniya sa asawa at hinaplo

