Jam’s POV Hindi ko na alam ang gagawin ko at mas lalong hindi ko na mapaliwanag ang pagod at hirap na nararamdaman ko ng mga oras na ito. Punit punit na ang mga damit ko at halos paubos narin ang bala ko. Kailangan ko ng mahanap ang mga kasama ko dahil kailangan na naming magsama-sama ng sa ganon ay sama-sama rin kaming makakapunta sa ikaapat na building at walang maiiwan. Naisip ko kasi bigla na ang sinabi ni Selena ay ang huling tao daw na makakarating sa rooftop ang ma-eevict kaya siguro ay kapag sama-sama kami at walang mahuhuli ay walang ma-eevict, sana nga ay wala at sana nga ay tama itong kutob ko. "JAMM!" agad akong natigilan at nilingon ang tumawag na iyon sa akin. Sobrang saya ang naramdaman ko ng makita sina Dixie, Jol, at Alyssa. Sana ay mahanap narin namin ang iba. "Dix

