Ilang buwan na ang lumipas at kami na rin ni Aaron. Time flies so fast at tuluyan na ring nahatulan ng kaso sina Dolax and proven guilty sa court hearing. Hindi naman na nilang tinangka na ipagtanggol ang sarili sa halip ay tinanggap nila ng buo ang parusang ipinataw sa kanila. "How are you?" tanong ni Ram habang nakatitig saakin "I'm good, bumibilis din ang recovery ko sabi ng doctor though sensitive parin talaga ang bandang ulo ko pero ayos naman," sagot ko na kinangiti naman niya Nasa isang coffee shop kami ngayon kasi naisipan naming magkita kita before ako babalik ng states "Sorry I'm late! Sobrang traffic kasi e," biglang sulpot ni Dixie na halatang nagmamadali "No worries, halos kakarating lang din naman namin," nakangiting sabi ko Yumakap naman siya saamin saka nakipagbes

