Ilang buwan na ang nakakalipas mula ng magtransfer ako sa school na ito Sobrang daming nagbago pero halos magaganda rin naman lahat. Nakakatuwa rin na ang dami kong naging kaibigan. Ang dami kong nakilala. "Rika sasama ka ba saamin?" tanong ni Farsha saakin Medyo ilang man ay sinubukan kong makihalubilo, makisama, at sumabay sa kanila dahil alam ko naman sa sarili kong kailangan ko sila. Kailangan ko ng kaibigan na masasandalan o kahit malapitan man lang lalo na't mas maalam sila sa lugar na kinatatayuan ko ngayon. Some of them are already friends since elementary, mga magkababata. Ang iba naman ay bago lang sin gaya ko. "Saan kayo kakain?" naiilang na tanong ko Kung titignan ay tila okay lang ako, walang nangyayari, maayos lang pero sa kaloob looban ko ay abot abot ang kaba ko sa t

