"Tama na please," umiiyak kong sabi dahil sa hapdi "Tama na?" nakangising tanong ni Aira habang hawak parin ang kahoy na ginamit niya pamalo ng braso ko "That's what you deserve sa pagiging bida bida!" sigaw pa niya saka ako pinalo ulit at hinila ang buhok dahilan para mapangiwi ako sa hapdi "Ano ba ang ginawa ko ha? What did I do to deserve this?" umiiyak ko ng tanong Nasa isang abandonadong lugar kami dahil pinapunta niya ako dito, this is what she's always doing atsaka ako binubugbog o pinapagawa ng kung ano ano. I really don't know kung saan nagmumula ang galit niya saakin for all I know ay wala naman akong ginawang hindi maganda sakanya. "Simula ng dumating ka sa lugar na 'to ay ayaw ko na sayo! Masyado ka kasing pabida. I tried, sinubukan ko naman na bigyan ka ng chance per

