Dinala nila kami sa isang kwarto na walang ibang laman kung hindi monitor lang na nasa gitna. “Ano na ang mangyayari?” gulong gulo na tanong ni Farsha “Mababawasan nanaman ba tayo ng isa dahil sa eviction?” naluluhang tanong naman ni Dixie Napayuko nalang ako dahil sa hindi ko alam kung ano pa ang iisipin “I doubt,” napalingon naman kami kay Ramayda ng sabihin iyon “Kumpleto tayong lahat dito ngayon, if mag-eeviction na dapat may iba saatin na wala dito ngayon and took the chance kanina na isa isa tayong kinuha para mahiwalay ang nominees,” nilibot ko ang tingin ko at tama nga ang sinabi niya walang nawawala saamin ngayon Sana nga, sana nga ay wala ng mawawala saamin pa dahil ni hindi ko pa nga napaprocess sa utak ko na nabawasan nanaman kami ng dalawa paano pa kung madagdagan “"At

