Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Ano ba ang nangyayari sa circle namin? "Babe?" napalingon ako kay John Rei ng bigla siyang magsalita Hanggang ngayon ay hindi ko parin nasasabi sakanya ang tungkol sa nangyari saamin ni Dolax at hindi niya parin alam ilan sa mga bagay na nalalaman ko tungkol sa mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung saan sisimula at paanong sasabihin "Yes, love?" sagot ko ng makahatap sakanya Nasa labas kami ngayon para manood ng cine pero siniguro namin na busy ang mga kaibigan namin para hindi nila kami makasalubong kung saan. "How are you doing with Dolax? Wala ba siyang ginagawa sayo?" biglang tanong niya na medyo kinabahala ko May alam na ba siya? "Oo naman ayos lang gaya lang parin ng dati, hindi naman ata siya nakakahalata saatin," pagsisinungaling ko

