“Isleigh!” na gising ako sa tawag ni mama kaya na pipilitan akong bumangon sa kina hihigaan ko. “Bakit po?” inaantok na tanong ko sa kanya. Bumaba na ako at antok na antok pa ako. “Hina hanap ka ni Harmony, bumangon ka na rin, tanghali na aba,” sambit ni mama sa akin. Napa nguso naman ako sa sinabi niya sa akin at tumango nalang. Nag hilamos muna ako bago ako lumabas para puntahan ko si Harmony sa labas. “Ang aga mo naman,” naka taas ang kilay na tanong ko kay Harmony nang ma kita ko siyang naka upo sa may labas ng bahay sa may bakuran. “Anong maaga? gaga ka, tanghali na,” sambit niya sa akin. Umirap namna ako sa kanya at umupo ako sa tabi niya. Naningkit ang mata ko dahil sobrang liwanag sa labas. “Oh ikaw lang? akala ko ba ka sama mo boyfriend mo?” naka taas ang kilay na tano

