“Ayos ka lang ba?” tanong ko kay Nash pagka balik niya sa opisina. Napa tingin naman siya sa akin at tumango. “How about you?” tanong niya sa akin. “Ayos lang ako, huwag kang mag alala,” sambit ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at agad niyang hinawakan ang pisnge ko, kahit marahan lang ang pag hawak niya roon aya agad ko namang na ramdaman ang hapdi kaya napa layo ako nang kaunti sa kanya. “You’re not fine,” seryosong sambit niya sa akin. Napa buntong hininga naman ako sa sinabi niya at bahagyang umiling. “Mahapdi lang pero mawawala rin naman ‘to,” sagot ko sa kanya. “Let’s go to the nearest hospital,” sambit niya sa akin, agad naman akong napa baling sa kanya. “Huwag na, hindi naman malala,” sambit ko sa kanya at napa hawak ako sa braso niya, napa kunot naman ang noo ko

