"Anong oras ka na naka uwi kagabi?" tanong ni Harmony sa akin. Napa tingin naman ako kay Harmony. "Alas diez," sagot ko sa kanya. Napa tingin naman siya sa akin at bahagyang ngumisi. Iyong ngisi niya sa akin ay parang may ibang pinaparating sa akin kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Huwag mo nang ituloy kung ano mang sasabihin mo," sambit ko sa kanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko at bahagyang napa iling. "Wala akong sina sabi," naka ngising sagot niya sa akin. Napa iling naman ako sa kanya at umupo sa may sofa. "Sa mall nalang ba tayo mag be breakfast?" tanong ni Harmony sa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Ayun naman pala eh, tara mag cocommute pa tayo," sambit ni Harmony sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya, hindi ko pala na sabi sa kanya na susunduin kami ni Nashton.

