"Nash," tawag ko sa lalaking sobrang abala sa gina gawa niya. tumingin naman siya agad sa akin. “What is it?” Tanong niya sa akin. Tumayo naman ako at bahagyang lumapit sa kanya kaya napa tingin siya sa akin. “May meeting ka,” sambit ko sa kanya. Napa tango naman siya sa akin at tumayo na. Sa isang restaurant ang meeting niya kaya naman kinuha niya ang coat niya. “Let's go,” sambit niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at sabay na kaming lumabas ng opisina niya. Tahimik lang akong pumasok sa may sasakyan niya, may driver siya kaya naman magka tabi kami sa may backseat. “What's the meeting all about?” Tanong niya sa akin. “Investment,” tipid na sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at pinanood niya ang mga sasakyang nada daanan namin, ganoon din naman ang ginawa ko hang

