Kasama ko ngayon si Sin at kumukuha kami ng mga litrato ng mga halaman at bulaklak dito sa garden ng school. "Sin, masakit pa ba ulo mo?" tanong ko sa kanya. Natamaan nga kasi siya ng bola kahapon at si Logan naman ay hindi manlang nag sorry. "Hindi na. Para ngang walang nangyari," mayabang na sagot niya. "Sus, pero kahapon hirap na hirap ka tumayo." Pang-aasar ko sa kanya at tumawa lang siya. Pinagpatuloy lang namin ang pag kuha ng litrato. "Dito Sin ang gaganda ng bulaklak." Turo ko sa kanya sa mga bulaklak. "Maganda nga," sabi niya. Kinuhaan ko ito ng mga litrato at nagulat naman ako nang may maramdaman akong nakalagay sa tenga ko. Pagka lingon ko kay Sin ay huli na dahil nakuhaan niya na rin ako ng litrato. "Oy! Burahin mo yan! Baka ang epic ng mukha ko dyan!" sigaw k

