Sunday ngayon at bukas na ang exam. Para ngang sasabog na ang utak ko dahil kahapon pa ako nag re-review, at ang mas nakakainis ay pag nag exam na ay wala naman pala doon yung mga ni-review. Tinignan ko ang mga papel na nasa table ko. Kalat-kalat na at napakarami pero feeling ko hindi pa rin pumapasok sa utak ko lahat. Kinuha ko muna 'yung cellphone ko. Kamusta na kaya si Logan? Simula noong nangyari yung aksidente ay hindi ko pa siya nakaka-usap. Kung tawagan ko kaya? Pumunta ako sa contacts ng cellphone ko at hinanap ang number niya. Agad kong pinindot 'yon nang makita ko. "Hello." Para bang nawalan ako ng boses nang sagutin niya na ang tawag. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko mag sorry sa kanya. "H-hello, Logan. K-kamusta na?" Nauutal kong tanong. "Ayos lang," sag

