Pumasok na kami sa loob. Naupo ako sa table ng mga pinsan ko samantalang sina Clea ay nasa kabilang table na katabi lang ng sa amin. Nilapitan ni Sindro ang table nina Clea. "Sino sila?" Bulong sakin ni Lexy. "Mga kaibigan ko." Simpleng sagot ko sa kaniya. "Anong pangalan nung dalawang babae?" Tanong ni Migz. "Yung kayakap ko kanina ay si Clea. Yung isa 'di ko kilala." Ngumisi si Migz at tumingin kay Jay. Napa iling nalang ako nang mag bulungan sila. "Beth..." Lumingon ako kay Clea na tumawag sakin. Napatingin ako sa mga pinsan ko. "Join them. Ayos lang kami dito." Sabi ni Janine nang mahalata ang pag tingin ko sa kanila. Nginitian ko siya at tumango. "Excuse me..." Tumayo ako at lumapit sa table nila Clea. Tinapik ni Sindro ang upuan sa tabi niya kaya doon ako naupo.

