Natapos ang basketball game at nanalo ang mga pinsan ko. Lumapit kami sa kanila at inabutan ng tubig. "Sino nga ang hindi marunong mag laro?" mayabang na tanong ni Migz sa kaniyang kapatid na si Janine. "Whatever," inirapan niya lang si Migz at humarap sa akin. "I'm hungry. Saan ba tayo kakain?" Tanong niya. Kahit ako ay gutom na rin buti na lang ay nag text si mama kanina at sinabing magluluto siya para sa lunch namin. "Sakto nga nag-text si mama. Magluluto raw siya ng lunch. Doon na rin daw kayo kumain," sabi ko. "Edi tara na!" aya ni Janine. "Wait lang. Magpapaalam lang kami sa kanila." ani Jay at tinuro ang teammates nila. "O sige, bilisan niyo. Gutom na rin ako." sabi ni Lexy. Nauna na kami nina Janine at Lexy na lumabas ng gym. "Hey, I also want to visit your school." bi

