"Hoy, nagmumukha ka nang baliw. Kagabi ka pa ngiti nang ngiti dyan," sabi ni Clea sa'kin. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain. Medyo masakit 'yung nakita at narinig ko kagabi sa clinic pero aa tuwing naaalala ko talaga 'yung sayaw namin ni Logan, bigla na lang ako napapangiti. "Clea, napanood mo ba 'yung sayaw namin ni Logan? Nakakakilig diba?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Malamang. Nandoon ako eh kaya napanood ko," sagot niya. Bigla naman siyang napatingin sa 'kin at tumili kaya nagtinginan yung ibang estudyante sa 'min. "Sabi ko sayo ikaw ang mananalo eh! Sobrang sayo ko para sa 'yo dahil nakapag-sayaw kayo ni Logan. Yieee! Sana may mag magsayaw din sa akin nang gano'n. Nakakainggit," sabi niya at kinikilig pa. "Nandito naman ako eh. Pwede mo akong makasayaw." Na

