"Malapit na tayo," sabi ng adviser namin. Inayos na namin ang mga gamit namin. At gising na rin si Logan. Pagkatapos kong mag-ayos ay tumingin ako sa labas at namangha ako nang makita ko na ang dagat. "Wow! Ang ganda," namamanghang saad ko. Napakalinaw ng tubig at sobrang puti ng buhangin. Tatawagin ko sana si Logan upang ipakita sa kaniya kaso nagulat nalang ako nang paglingon ko ay sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Nakatingin din siya sa labas at napangiti. "Ang ganda nga," sabi niya at tumingin sa 'kin. Nakangiti pa rin siya at hindi niya pa inaalis ang tingin sa 'kin. "Logan!" Lumingon siya sa tumawag sa kaniya. "May tubig ka ba? Naubos na kasi yung baon kong tubig eh," tanong sa kaniya ni Krisha. Tumango si Logan at lumayo na siya sa 'kin. Tumingin sa 'kin si Krisha

