Kakatapos lang namin mag almusal at lumabas na kami ng hotel. Paglabas namin ay nakita na agad namin ang bangkang gagamitin namin sa pag a-island hopping. "I heard that the islands here are great. Siguradong mag e-enjoy tayo." Sabi ni Clea. "I'm so excited!" Masayang sinabi ni Janine. Nauna ng sumakay sa bangka ang mga pinsan ko. Sumunod naman sina James at Clea. Nakita kong muntik ng madulas si Veronica nang sinubukan niyang sumakay sa bangka ngunit agad naman siyang naalalayan ni Logan. "Beth, tara..." Nilahad ni Sindro ang kamay niya sakin para maalalayan ako. Saglit akong napatingin kay Logan na nakatingin din sa amin. Tinanggap ko na lang yung kamay ni Sindro. "Dahan-dahan lang," aniya. Nang makasakay ako sa bangka ay napansin ko si Logan na naka kunot ang noo habang naka

