ISANG gabi nagpatawag ng dinner si Mayor Brandon sa kanilang bahay —ito ay upang pag-usapan ang nalalapit na kasal nina Achilles at Daneen. Kumpleto silang dumalo—kasama ang Mommy Khiara at Daddy Kent niya. Ang Mama Gabby at Daddy Kurt niya at pati si Antheia ay sumama din. Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap habang kumakain ng tumayo si Achilles at lumapit kay Daneen. Ito ang isa sa mga pangarap niyang para kay Daneen, ang lumuhod sa harapan nito para personal na yayain itong magpakasal. "May I have all your attention please," malakas na sabi nito sa lahat. Natahimik silang lahat sa kanyang nakasentro ang atensyon ng lahat. Sina Gabby at Khiara na noon ay naguguluhan narin ng makita nila itong tumayo at may hawak na maliit na kahon. "Oh my gosh kuya! I think I know that—let me guess K

