"Anak hindi ka nag-iisa. Ito ang palagi mong tatandaan, hindi mo man ako nakikita—hindi mo man ako nakakasama araw-araw ang pagmamahal ko sa'yo ay hindi mawawala. Salamat at nagbalik kana baby ko, masaya ako na makitang magkasama na ulit kayo ng Daddy mo. Huwag mo ng iiwan pa ang Daddy ah, dahil ako ang unang malulungkot kapag nawala ka ulit," sabi ng Mommy niya ng nakangiti habang hawak nito ang kanyang mukha. Nag-angat siya ng kanyang mukha at ngumiti pabalik sa Ina. Gamit ang palad nito pinahid ng Ina ang kanyang luhaang mukha. "Buo na ang loob kong umalis. Alam mo kung bakit, hmm?" hindi siya sumagot bagama't mataman niyang tinitigan ang mukha ng kanyang Ina. Ngayon lang niya nasilayan ang kagandahang taglay ng kanyang Mommy na ni minsan ay hindi niya nasilayan. "Kasi alam kong mara

